Thursday, July 3, 2014

Bomba

Courtesy of GMA News
Kahapon ay dalawang malaking bomba ang pinasabog ng ating favorite senator Miriam Defensor-Santiago: ang pagtakbo niya sa pagkapangulo sa 2016 at  pagkakaroon niya ng cancer sa left lung. Masayang malungkot ang dala niyang balita pero 'di mo siya makikitaan ng panghihina o kalungkutan during her press conference. Ang dami niyang hirit na todong inabangan ko. Agad na nag-trending sa Twitter ang #MiriamFight.

Anim na linggo siyang mawawala upang lumaklak ng gamot na susugpo sa cancer. Bongga at walang chemotherapy na magaganap. 'Di daw siya lasenggera at sunog baga kaya nagtataka rin ang mga doktor kung bakit siya nagkaroon ng ganitong sakit. Baka daw "genetic mutation". WOW! X-Men lang ang peg.

Kapag nalagpasan niya ang pagsubok na 'to, walang pagdadalawang isip na iitiman ko sa aking balota ang bilog na hugis itlog sa tabi ng kanyang pangalan. She will be a great president to our country. Ilang beses na siyang siniraan, kinutyang may tililing at ngayon at idinadawit pa sa pork barrel scam pero buo pa rin ang tiwala sa kanya, hindi lang ako kundi ng karamihan.

Matapang, walang preno, dire-diretso... 'yan ang ilan sa mga katangian na minahal natin sa kanya at ngayon nasa 'di magandang kalagayan ang kanyang kalusugan, ating idagdag sa ating panalangin ang mabilisan niyang paggaling. Kailangan pa siya ng sambayanang Pilipino at dapat lang na gumaling siya. Kung may space pa sa panalangin niyo, pakisama na rin ang mabilisang pagsintensya sa mga magnanakaw sa gobyerno. Ambagal ng proseso eh.

Here's the video of her announcement...

4 comments:

  1. Bb Melanie,

    Maka Miriam din ako! Kaya kapag tumakbo siya as President, naku teh talagang kanya na ang boto ko! ;)

    Olga Luxuria

    ReplyDelete
  2. hindi ako masyadong fan ni Miriam eh , but then again ikanga, she is the lesser evil kumpara sa iba he he he

    ReplyDelete
  3. Idol ko rin yang si Sen. Miriam, palabang babae at walang kikatakutan. Sana talaga gumaling na siya dahil hindi niya ito deserve, at kailangan pa talaga siya ng taong bayan sa pagsugpo sa mga kurakot na politiko.

    ReplyDelete
  4. Mas pipiliin ko na si miriam kesa kina mar at binay. Just like nung vice presidentiables, sina roxas at binay, i chose the lesser evil kasi both evils naman, chos! mas pinili ko si binay pero ngayon siguro si miriam ako pero kung kakandidati si duterte? mag iisip ako ng mabuti as in bonggang bongga. dami ding advantages at disadvantages kay duterte eh.

    ReplyDelete