Kinaray din niya si Zaizai (Simply Complicated Zai) na taga doon lang. Sumakay kami ng Antipolo jeep from SM Masinag. Akala ko mahaba-habang biyahe 'to pero saglit lang pala. Bumaba kami sa Sumulong Highway at nasight ko ang malaking karatula ng SGD na Secret Garden of Doris pala. Hhhmmm... ano kayang meron sa loob?
Sinalubong kami ng may-ari ng lugar na si Mrs. Doris Lee, isang Pomologist. Ay mga ateng! Pers taym kong marinig ang term na 'yan. 'Yun pala ay eksperto sa pagku-cultivate ng prutas ang peg niya. Magkakasundo kami bilang matakaw ako sa fruit salad. CHOS! Bago ang tsikahan ay ipinakilala muna kami sa assistant niyang si Veron at kay lovey dovey Archt. Ansan Lee.
SGD is the Home of Exotic Fruit Trees. Medyo kakaiba 'to sa mga napuntahan ko. Madalas mga ornamental plants ang nakikita kong binebenta pero dito mga puno. Kumbaga sa karinderya, specialty nila ang mga halamang namumunga like citrus, pomelo, rambutan, mangga, chico, dragon fruit, lansones at marami pang iba. Meron ding durian na akala ko exclusive lang sa Davao.
May total wellness program dito tuwing ikatlong linggo ng buwan, ang Ugnayan sa SGD. May walong services na pwedeng pagpilian - Pomology, Access Bars Therapy, Reiki Healing, Meditation, Tarot Angel Readings, Neuro Muscular Therapy, Stress Releasing Program at Detox Acupuncture. Parang mahal sa pandinig pero ang promise ni Ms. Doris eh maa-afford natin 'yan!
Bukod diyan ay dinedevelop din ang 1.7 hectares na hardin para maging bonggang venue ng iba't ibang events. So far ay may naidaos nang yoga session, concert at school fair dito. Kahit ano pwedeng maganap dito basta sundin lang ang pinakamahalagang rule - do it nice and clean. No to bisyo. Yes to healthy living.
If you love being close to nature minus the tiring long trip, this is the perfect place to be.
Panalo looks very relaxing...
ReplyDeleteBawal siguro mag hazing dyan
ReplyDelete