Sunday, July 6, 2014

Peligroso

Sa Setyembre ay ise-celebrate ko na ang aking ika-walong taong pagtatrabaho sa BPO industry. Mula Eastwood, Makati at ngayon sa Taguig, parte ng aking araw-araw na pagba-biyahe ang pagsakay ng bus. 2010 pa nang simulan kong maghain ng mga karanasan ko sa tinaguriang Hari ng EDSA. As I celebrate my 8th year anniversary, let me share to all of you the top 5 risks in riding a bus and tips on how to avoid it. Shala oh! Umi-English na naman si bakla!

Image from Remate
Trapik
May araw man o wala, expect mo ang bonggang traffic. Sa umaga at hapon kapag rush hour, sa gabi dahil may aksidente o bumaha at walang masakyan. Ang resulta: late sa trabaho. Peligroso kung talakitok ang boss mo. Maliligo ka sa laway kakasermon. Magpayong kung kinakailangan. Goodbye din sa perfect attendance bonus. Ang solusyon: mag-allot ng sangkatutak na oras para dito. Gumising ng maaga. As in maagang maaga!

Image from Favim.com
Karera
Ganito ang eksena kapag kokonti ang sasakyan sa kalsada. Guilty pleasure ko 'to kasi kapag si manong driver eh hindi takaw pasahero at todong nakikipag-unahan sa ibang bus, paniguradong makakarating ako ng maaga sa opisina. Literal na fly sa flyover itech. Ngunit kadalasan ito rin ang sanhi ng...

Image from DZMM
Aksidente
Kung hindi mababangga eh malalaglag sa Skyway. Kamakailan lang eh nawalan ng prangkisa ang Don Mariano bus company dahil dito. Dapat pipiliin ang bus na sasakyan lalo na't madulas ang daan because rainy days are here.

Image from Twitpic
Antok
Kulang ba sa tulog at mala-pagong ang daloy ng trapiko? Don't worry dahil pwede kang bumorlogs sa iyong upuan. Kung masharap ang katabi mo, aba eh sumimple ka nang dumantay sa balikat niya. 'Wag lang tulo laway ah! Make sure idlip lang at 'di tulog mantika at malamang lumagpas ka. Worst baka mabiktima ka ng mga...

Image from Pinoyparazzi
Kawatan
Sa lahat ng nabanggit ko, dito talaga ako ninenerbyos. 'Di mo alam nalaslas na pala ang Secosana mo. Andiyan din 'yung magnanakaw sa may Buendia area at ang 'di mahuli-huling Ipit Gang. Para 'di mabiktima, kailangan laging alerto. Itago ang mahahalagang gamit. 'Wag masyadong showy you know.

Working in the BPO industry is not that easy. I've had my ups and downs, experienced various challenges, shifting schedules etc. Kumbaga sa puno eh inuugat na ako sa larangang ito. I think this is the best work for anyone who wants to be flexible with anything. You may take calls, do paper works, review recordings, check the quality of your team members etc.

If you're interested, just click this link >> Sykes E-Recruitment Site and you may apply online.

6 comments:

  1. Hindi ako masyado makarelate, uhm, mga 10% lang thru minimal traffic dahil na rin punuan ang mga jeep dahil school days at hindi dahil sa may mga banggaan o aksidente. Dito sa pangasinan malelate ka lang kasi either matagal umalis yung sinasakyang bus o jeep dahil naghihintay mapuno o maraming estudyante maraming sasakyan equals traffic. Hindi uso ang baha o everyday accidents. Advance kudos sayo ateng M.

    ReplyDelete
  2. Dito sa provincia namin matrapik lang kapag 7:00 ng umaga( kasi rush hour, pero di naman sagad). Di naman dito nagkakaubusan ng jeep at lesser din ang accident pati mga kawatan.

    ReplyDelete
  3. -Teh Anonymous 1, salamat sa maagang pabati :) Bongga pala diyan sa Pangasinan at 'di kayo napapranela kapag umuulan. Dito konting patak lang, baha na. KALOKA!

    -Teh AnonymousBeki, sarap ng kwento mo. Parang gusto ko na tuloy manirahan sa probinsiya.

    ReplyDelete
  4. Bb Melanie,

    Happy Anniv Teh! Naku, mashogality ka na pala sa kolzener! Hehehehehehehehehe. I'm sure marami ka na ring experience sa mga iba't ibang accounts. How's the experience? Masaya parin ba? Keri pa ba ang pagpupuyat? Anyway, keep it up Teh! ;)

    Olga Luxuria

    ReplyDelete
  5. At minsan, mas gugustuhin ko na lang na lakarin mula EDSA hanggang opisina dahil feeling ko mas mauuna pa ako sa sobrang trapik. Dahil dyan, doble ingat at good luck na lang sa atin, mga pinoys!

    Anyways, Happy Anniversary Freend! ;)

    ReplyDelete
  6. -Teh Olga, apat na accounts na ang nahahawakan ko. 'Di na nga kinekeri ng byuti ko ang pagpupuyat. I need Dra. Belo's expertise ASAP! :D

    -Teh Shy, wow freeend! Kapag ginawa mo 'yan magiging tan ang skin mo. Pwede na kitang i-recruit sa Afamista Club ahahaha!

    ReplyDelete