Dumating ang parcel notice ng latest order ko sa Amazon. Dahil excited, agad akong nagbihis para kunin ang package sa post office bandang NIA-Kamuning. Usually nilalakad ko na lang 'to pagbaba ng bus pero dahil katirikan ng araw at sayang ang papaya soap, sumakay ako ng pedicab. Babae ang driver sa unahan ng pila. Though hindi na bago ang ganyan dahil invaded na nila ang jeep at tricycle, nagulat pa rin ako.
Habang umaandar kami...
"Ate pwede magtanong? Ilan taon ka na?"
"Twenty three."
Medyo matapang ang pagkakasabi niya. Hindi na ako nag-follow up question at baka saan ako dalhin. Infernezzz swabe mag-drive si ate. Napatingin ako sa pedal habang iniikot ng mga paa niya. Ang hirap yata. Paano pa kung majubis ang sakay niya.
Mas bata siya sa akin ng anim na taon. 'Di ko naiwasang ikumpara ang sarili sa kanya. Ako, sa de-aircon na opisina namamasukan. Siya, babad sa araw sa pag-aantay ng pasahero. Naisip ko, ano kayang prioridad niya sa buhay? Ang may makain sa hapag tatlong beses isang araw? Ang mabayaran ang buwanang renta? Ang matustusan ang pangangailan ng pamilya? Kung ganun din naman, pareho pala kami. Nagkataon lang na magkaiba ang lugar kung saan kami kumikita pero 'di nangangahulugang malaki ang aming agwat sa buhay.
Teka bababa na pala ako.
"Ate eto ang bayad."
sana binigyan mo ng tip si ate...
ReplyDeleteminsan nakakatulong ang mga ganyang mga moments para marealize natin kung ganu tau kaswerte sa buhay natin noh.. ^_^ ang magkaroon lang ng simpleng bagay is enough na para masabi natin na super blessful tau compare sa ibang mas naghihirap sa atin... good job.. galing mo talga mag sulat teh
that's life. siguro naimbyerna si ate sa pagsasabi mo ng ate ateng melanie hahahahahahahahaha tapos mukha ka pang supladita kaya ayun, baka nga imbyerna much sya at matpang pagkakasabi. hahahahahaha
ReplyDeleteNaawa ako pag nakaka kita ng mga babaeng gumagawa ng mabibigat na trabaho..o mga pang karaniwan na lalaki ang dapat gumagawa..gaya nyan ni ate, o kaya driver ng tricycle o barker. Alam ko kaya din nila ang trabahong pang lalaki pero nakakalungkot kasi dapat prinsesa ang mga babae at di nahihirapan.
ReplyDeletePero iba iba nga ang buhay natin at kailangan na ding kumayod ng mga babae, di man glamorosa ang trabaho, kung para naman sa pamilya.
-Teh RoVee™, thanks for the appreciation :) Sa totoo lang ayaw kong isipin na maswerte ako dahil ibig sabihin nun may malas. I want to believe that life is fair sa ating lahat... in different ways.
ReplyDelete-Teh Anonymous 1, totoo ka diyan! Minsan mabait na ang approach ko pero napagkakamalan pa ring suplada ahahaha!
-Teh ZaiZai, gone were the days na pinagsisilbihan ang mga babae. They're now strong and independent.
Pero in fairness huh.. De kolor yung buhok nya.
ReplyDeletethis is the kind of moment when we get to thinking how much blessed we are than others ... but then sabi mo nga , we are blessed in different ways .. malay mo si Ate may blessing naman sa ibang parte ng kaniyang buhay di ba : )
ReplyDelete-Teh Anonymos 2, PLANGAK! Naka-Ombré si ateng!
ReplyDelete-Teh Edgar, I luuuv what you've said :)
ang yaman, pa-amazon-amazon lang bwahahahaha
ReplyDelete