Matindi ang hagupit ni bagyong
Glenda. Less tubig more hangin ang dinala sa Pinas. Eroplano man o bagong gawang building ay 'di nakaligtas. Buti na lang at kahit papaano ay nakapaghanda ang karamihan sa atin. 'Pag sinabing lumikas, unahan nang makasakay sa sasakyan na maghahatid sa evacuation center. 'Di na nag-inarteng magpaiwan sa bahay.
Kung 'yung iba eh kinakatakutan ang pagbaha, eto naman nagliliparang yero at punong nagsibagsakan ang ginawa. Maski na 'yung mashoshondang puno eh 'di pinatawad. Kokonti na nga lang 'yan, todong napatumba pa. Sayang. Malaking porsyento din ng Kamaynilaan ang nawalan ng ilaw dahil sa mga nagsibagsakang linya ng kuryente. Sa Cavite nga daw pati tubig wala.
AMP!
Ilang oras lang siyang nagpahangin ngunit malaking perwisyo ang iniwan. At dahil rainy season na, dapat laging handa ang bonggang payong, kapote at bota. Bukod sa kikay kit eh mag-prepare na rin ng first aid kit. Siguraduhing may stock ng pagkain na ready to eat at easy to open. Importanteng mag-imbak ng malinis na tubig at 'wag kalimutan ang magdasal. Ingat lagi!
Hindi ko naramdaman si glenda charot
ReplyDelete