NAKAKATAKOT. May ganito na palang grupo ng mamamatay beki ngayon. 'Sangdaang milyon na tayo pero 'di naman yata ito ang tamang paraan para mapigilan ang populasyon. Ang todong nakakaloka eh may listahan pa sila. Ibig sabihin eh pinagplanuhan ang gagawin. Nag-research ng bibiktimahin. Buti at bago nalimas 'yung nasa listahan eh agad naagapan ng kinauukulan.
Kaya mga ateng, ingat-ingat sa mga nakikilala sa social media hindi lang sa Facebook kundi sa iba't ibang apps na i-da-download. Nagkalat ang tukso diyan. Though 'di maiiwasang kiligin kapag may otokong nag-add o inapprove ang iyong friend request tapos nag-view, poke, like, favorite, wink sa pics at posts mo, still they're considered strangers. I-PM ka man nila, 'wag magpapa-uto sa mabubulaklak na pambobola. Pakiramdaman ng maigi. Mas mabuti nang nag-iingat dahil baka ang inaakala mong dilig ay siya palang puputol sa iyong hilig.
Bb Melanie,
ReplyDeleteKahindikhindik! Grabe! Nakakapangilabot! Ingat na talaga dapat tayong lahat! Hay..
Olga Luxuria
Kashokot!!! One more thing, wag babaratin ang kabooking!
ReplyDeleteTunay ngang Kahindik-hindik,kasindak-sindak at nakakalurkey ang news na itey!
ReplyDelete-Tagamasid Pampurok-
Only straight male is the real temptation, not a female.
ReplyDeleteKakalurkey ang news na ito taga-Valenzuela pamandin ako buti na lang na huli na sila!
ReplyDeleteTanong lang anu bang ginawa sa kanila ng mga kasisterette natinat bakit need pa silang patayin?
Buti na lang yung ka booking ko friends kami. -Piyu Ross