Saturday, January 31, 2015

Answered Prayer

What's the best blog to post by the end of January? Walang iba kundi ang pinakamalaking event na naganap sa buwan na 'to, the Papal Visit. I'm lucky enough to be part of this important event na minsan lang dumating sa buhay ng isang Pilipino at Katoliko.

PNoy with Pope Francis
Photo courtesy of Time
Thursday to Monday ang pasok ko sa trabaho. Sumakto sa limang araw na pagbisita ng Santo Papa. Kahit idineklarang fiesta opisyal ng gobyerno, 'di kasama diyan ang mangagawang BPO. Inggit na inggit ako sa mga sumalubong sa kanya mula airport, sa mga nakasaksi sa kanyang motorcade papuntang Manila Cathedral at SM MOA Arena. Kaya kahit 'di ako pinayagan ng bisor ko, sumige ako't lumiban sa trabaho noon January 18 to witness and attend his mass sa Quirino Grandstand. Kasama ko si super friend Chari and her relatives. Sina mama at 'yung pamangkin ko, sa UST nag-abang.

Thursday, January 29, 2015

Idikit

Finally! Nag-restock na ang Paano Ba 'To?! ni Bianca Gonzalez. Ilang weeks rin akong todong nag-antay but it's worth the wait! Nag-inarte pa kasi ako nung nakita ko 'to noong Pasko. Nang ready na akong bumili, waley na. Ambilis maubos!

Dahil may pagka-OC akez, kinailangan ko munang balutan ng plastic cover bago basahin. Ang nakakatuwa ay may kasamang sticker ng emoticons sa loob. Very similar sa ginagamit natin sa social media. Pwede mong idikit sa cover or sa topics na gusto mo i-highlight o nakarelate ka. I started reading it kanina sa MRT at kahit nasa page 38 pa lang ako, I can say na marami akong matututunan.

Basically, the book is a collection of questions thrown at Bianca and how she managed to answer them based on her experiences, friends, and experts. I'm not excited to finish it immediately dahil parang ang sarap niyang namnamin. Kumbaga sa pagkain, ayaw mong maubos agad!

Paano Ba 'To?! is available to all leading bookstores nationwide for only 245php.

Tuesday, January 27, 2015

Kwela 9.0

Unti-unti na akong nakakabangon sa kalugmukan dahil sa 'di pagkakapasok ni MJ sa Miss Universe. Active na ulit siya sa Instagram (@mj_lastimosakaya show some love and support by following her. At sa mga hirap pa rin maka-move on, heto ang isang komiks strip na sana'y maghatid sa inyo ng ngiti at gaan ng kalooban. Nagkaroon kasi ako ulit ng ekstrang oras para maghalukay sa "Balikbayan Package" at mag-scan ng kwelang mababasa. 

Ito'y lumabas sa mga pahina ng Lovelife Komiks noong dekada '80 na sinulat at ginuhit ni Nes Lucero.  ENJOY!

Mac en Kulit
Lovelife Komiks
Abril 11, 1983
Taon 18 Blg. 488
Graphic Arts Services Inc.

Salamat 4.0

Hindi ako mapakali habang nasa MRT kaninang umaga dahil sa Miss Universe. Wala akong data connection to check the live updates sa social media kaya atat na atat ang tapur kong makarating ng opisina para mag-internet. Wish ko lang hindi ako mahuli ng IT for visiting non-work related sites.

Pagkaupong-pagkaupo, binuksan ko agad ang Missosology at nakahinga ng maluwag dahil pasok sa top 15 si MJ. Tulad noong 2013, pasok din sina India at Indonesia. Walang black beauty na nakapasok. Sayang kasi ang gaganda pa naman nina Guyana, Haiti at Ethiopia. Balik trabaho muna at mahaba pa ang tatakbuhin ng pageant.

I know na papasok sa top 10 si MJ dahil confident ako sa SS preliminary performance niya. 'Di nga ako nagkamali. Siya na lang ang natirang Asian. Sumunod ang Evening Gown. Madalas kong marinig na it's not about the gown, it's how the person carries it. Well hindi sa lahat ng pagkakataon. Beauty pageant ito! Dapat pabonggahan sa design at rampahan. Wala akong masabi sa rampage skills ni MJ pero kahit ni-redesign ang Barraza gown, ang chaka pa rin!

Eto may unconfirmed na tsika, dapat daw ay isang pink Leo Almodal creation ang isusuot ni MJ. During the final rehearsal, nakita ito ni Madame at sumugod sa backstage. Dito niya tinalakan si MJ at ipinilit ang white gown. If ever na may bahid katotohanan itech, I salute MJ for at least trying to wear a Filipino made gown kahit sa rehearsals lang. Again, tsismis lang itech.

Walang sinuman ang humiling na 'di makapasok sa top 5 si MJ pero 'yun na nga ang nangyari. Colombia, USA, Ukraine, Jamaica at Netherlands ang pasok! Tuluyan na akong nawalan nang gana sa trabaho. Lutang at halos wala sa sarili. Walang pake kung napansin man ng supervisor ko. Naintindihan naman daw niya dahil may friend din daw siya na 'di matanggap ang nangyari. OMG! Sakit sa puso. But I know lilipas din 'to.

And my message for you MJ, please pursue your other dreams and thanks for inspiring a lot of us. Ikaw ang nagpatunay sa mga katagang "Huwag susuko!" at "Reach for your dreams". Also, BIG HUGS for loving and giving importance to your fans. Mula 2011 hanggang ngayon, ramdam namin ang todong pagpapahalaga mo kaya maraming nagmamahal sa'yo. Maraming salamat!

God will bless you and definitely, He'll give you more than the french fries crown. Mwah!

Monday, January 26, 2015

Disenyo

Mary Jean Lastimosa at a Miss Universe event
Ilang oras na lang at Miss Universe na! Ipagdasal natin nang husto si MJ Lastimosa na maiuwi na niya ang korona. BTW, may bagong disenyo ang crown na gawa ng Diamonds International Corporation (D.I.C), the fastest growing international diamond brand in Europe. Pangatlong palit na 'to simula 2002. Ang design ay base daw sa skyline ng New York, kung saan naninirahan ang reyna during her reign. How I wish si MJ ang unang magsusuot niyan!

Credits to the owner: MJ with the new Miss Universe crown
Live na ipapalabas ang pageant sa Star World at 9 AM today. Delayed ng isang oras sa ABS-CBN. Para sa mga naka-unlinet, subukan niyo ang mga site na 'to:

Saturday, January 24, 2015

Palasyo

Jinkee and Manny Pacquiao with Prince Harry
So the #GreatestAfam meets the #GreatestPinoyBoxer.

Mawalang galang na Mr. and Mrs. Pacquiao pero amfogi-fogi dito ni fafah Prince Harry. 'Di ko alam na fan siya ng Pambansang Kamao. Niyaya pa niyang mag-dinner sa Buckingham Palace kasama ang ilang friends niya. Haaayyy... kailan kaya niya ako aayain lumaps sa palasyo? Kailan niya kaya ako ipakikilala kay Queen Elizabeth as his new girlfriend? Ahahahaha! Ako na talaga ang pinaka ambisyosa sa lahat ng ambisyosa. ABA! Kung mangangarap ka rin lang naman, i-todo mo na noh!

With a friend of Prince Harry
Pagkatapos niyan eh fly agad ni Manny papuntang Miami to judge the 63rd Miss Universe pageant. Si Donald Trump naman ang makakakiskisang siko niya. Iba talaga ang kasikatan ni PacMan... YAYAMANIN! Siyempre, kasama diyan si Jinkee and her bonggang bags. First time kong makita ang Instagram page ni ateng at panay #selfie at #OOTD ang post. Siya na talaga!

Such a fan! ♥
Wish ko lang talaga next to manay Jinkee eh ako na ang susunod na Pinay na makakadaupang palad ng prinsipe. Ipalalasap ko sa kanya kung gaano kasarap ang sarciadong tilapia ko at paniguradong 'di na niya ako pauuwiin. Baka ikulong ako sa Buckingham Palace at gagawin namin itong Bookingham Palace. ECHAUSE!!!

Thursday, January 22, 2015

Hampas

Para sa mga naka-miss sa preliminary competition ng Miss Universe kaninang umaga, eto ang complete performance ng nag-iisang dyosa MJ Lastimosa...

ARAY! Lakas mo naman makahampas ng balakang MJ. Nilatigo mo rin kami sa fierce hair flip mo at napa-nga-nga sa final posing sa swimsuit round. Todong elegante naman ang pagdadala mo ng Sampaguita-inspired evening gown na again ay gawang Barraza. Oh well, underwhelming man ang design at pinagmukha kang maliit, nadaan mo naman sa charm at class. Nawa'y naramdaman ng judges ang passion mo to bring the 3rd MU crown. Malakas ang pananalig namin na 'di mo kami bibiguin.

Umani muli ng batikos mula sa pageant enthusiasts ang bonggang national costume na aprubado at selyado ni Madame Stella Marquez-Araneta. Ewan ko pero baka na-inspire si Barraza (again?!?) sa Panagbenga Festival. Tinadtad ng bulaklak mula sa headdress, manggas at laylayan. Pero bakit ganun? Imbes na 'yung pista ang maisip ko, feeling ko eto ang inspiration...

Image from birdisthewordbirdistheword.wordpress.com
NAKAKALOKA!!!
NAKAKALOKA!!!
NAKAKALOKA 3 TIMES!!!

Basta 'wag kakalimutang suportahan at ipagdasal si MJ. Sa January 26 na (Manila time) ang coronation night na ipapalabas ng umaga dito sa atin. Delayed telecast sa ABS-CBN at sa mga hindi makapag-antay, may live broadcast sa cable at internet. 

Wednesday, January 21, 2015

Binudburan

My Name is Kim Sam Soon
Hook na hook ako sa replay ng My Name is Kim Sam Soon. 'Di ko ito masyadong napanood noong unang airing, which I think 10 years ago na ang nakararaan. Ilang beses nang na-replay sa TV at nagkaroon pa ng bonggang Filipino version with Regine Velasquez and Mark Anthony Fernandez playing the lead roles.

Relatable si Sam Soon AKA Hannah Kim dahil walang fancy clothes, heavy make up, finesse at kaartehan ang role niya. Simpleng mamamayan tulad natin - naghahanap ng trabaho, bitter sa ex-jowa, unassuming, mahilig mag-imagine at palaging tinutukso. Though marami siyang imperfections, imbes na mainsecure eh mararamdaman mo na tanggap niya eto at dito nanggagaling ang strength ng character niya. Ang lalim naman ng assessment ko sa kanya. Ako na ang psychologist ahahaha!

Sam Soon and Cyrus
Sa teleseryeng Pinoy, madalas na saksakan ng ganda at pogi ang mga bida. Ang mga chaka ay ginagawang bestfriend o palamuti sa background. Kaya minsan, todong nakakaintriga kapag ang bida ay majubis at chaka. Diyan magaling ang Koreanovelas. Babawiin nila sa ganda ng istorya na binudburan ng aliw at nag-uumapaw na kilig.

Mapapanood ang My Name is Kim Sam Soon weekdays sa Afternoon Prime ng GMA 7.

Friday, January 16, 2015

Inabala

Naghahagilap ako ng bagong libro ni Noringai noong Martes sa... saan pa nga ba kundi sa National Bookstore in SM North. Wala akong makita sa display. Tamang-tama at dumaan sa harap ko ang isang staff. Inabala ko saglit para magtanong. Waley daw stock. Pati 'yung kay Bianca Gonzalez, sold-out! Eh gustong-gusto ko nang makabasa ng bagong libro. Gora muna ako sa Precious Pages sa 3rd floor. Wala daw reprint ang latest novel ni Rose Tan. Baka bukas daw kasi every Wednesday ang delivery. So balik ako ng NBS at nakita ko 'to...

Bubay is a fictional character created by Ayi Santos, the youngest sister of Pol Medina Jr., ang genius sa likod ng Pugad Baboy series. According to the writer, ang komiks strip ay base sa kanyang mga karanasan sa buhay. Mga kwentong iniyakan noon pero bonggang nakakatawa na ngayon.

At habang binabasa ko 'to, hindi ko mapigilang matawa at maka-relate sa mga kwento niya. Ito 'yung tipong 'pag binasa mo, mapapa-"oo nga noh" ka sa mga punto niya. I specifically loved the "Noon at Ngayon" at "Facts of Life" section. Sayang nga lang at ang nipis nito. Todong bitin! Hopefully, the next edition will be much thicker para mas mahaba-haba ang tawanan.

Bubay is available to all leading bookstores nationwide for only 150php.

Wednesday, January 14, 2015

Isiningit

Umandar na naman ang pagka-epal ng mga pulpolitikong Pinoy. Pati si Pope Francis hindi pinalagpas. Hindi na nahiyang itabi ang mga fes nila sa tarpaulin na nakasabit kung saan-saan. 'Yung isa kasama pa si misis and his constituents. May isiningit pang passport fecture sa kanan. NAKAKALOKA! 

Images courtesy of Bayan Mo, Ipatrol Mo
Next year na ang eleksyon at todong kina-career na talaga ng mga aspiring politicians at re-electionists ang maagang pagpaparamdam. Piyesta, graduation, Pasko, Holy Week, first day of classes at lahat na ng special holidays sa kalendaryo may pa-ganyan sila. Naaalala ko nga, pati Valentines day hindi nakaligtas. Pero sana naman hindi na nila dinamay ang Santo Papa sa pinaggagagawa nila.

Gawin bang acronym ang pangalan ahahaha!
Si Pope Francis nga, pinatanggal ang tarps niya sa Tacloban kasi hindi naman daw siya ang bonggang star nang pagbisita niya kundi ang ating Ama. Kung ganyan sana mag-isip ang mga ungas na 'to! Kaya lang hindi. Ke shushupal ng fes! Take advantage porke madaming makakakita. Eh saan ba nila kinuha ang budget sa pagpapagawa niyan? Ay! Wit ko alam. Baka donation. CHAR!

Kung konsehala si Patsie, ano naman si JC?
Kung tunay nga silang Kristiyano, sana ma-inspire sila sa sinabi ni Pope Francis. Ano na lang ang sasabihin niya kapag nakita niya ang mga imaheng 'yan habang nasa motorcade siya? Ganito na ba tayo mag-welcome ng bisita sa Pilipinas? Is this the new hospitality of the Filipino people? If so, please take me to the hospital 'cause I can take this no more!

Sunday, January 11, 2015

Alab

Why so pogi?
Minsan talaga ang pag-ibig, tanga. Iniwan ka na, kinalimutan at ipinagpalit sa iba pero patuloy kang umaasa na sa bandang huli ay maging kayo. Tulad ng pagmamahal ko kay Mike Concepcion. Tila ba inukit na sa bato... hindi na kayang burahin, hindi na maaaring limutin. Oh well, ako lang naman 'yan kasi wala siyang alam ahahaha! Medyo nag-lie low nga lang ang alab kasi may jowa siya. Ayaw kong naging third party. CHAROT! Ka-level ni Anne Curtis sa ganda pero siyempre mas masarap ako. Kampihan niyo ako mga ateng! Kampihan niyo 'ko!

Sana ako na lang... sana ako na lang... (repeat 'til fade)
May bago nga siyang business, ang pagbebenta ng imported na salamin. Ronnie & Joe ang pangalan ng tindahan na may branches sa SM Aura at Rockwell. Wow! Alam na alam!

Courtesy of stylebible.ph
Nung sa SM Aura Tower pa ako namamasukan, lagi kong nadadaanan 'yan. Ang bongga ng interior, pang meyemen. Wit ko pa nasa-sight 'yung sa Rockwell kasi 'di naman ako nagagawi dun. Maganda ba sa mall na 'yun? May foodcourt ba at Paotsin doon?

He was featured sa Plant, the official free magazine of Power Plant Mall. JUICE KOH! Pagkakita ko sa Instagram, narinig kong bigla ang legendary song ni Donna Cruz...

♫ Heto na naman naririnig
Kumakaba-kaba itong dibdib
Lagi nalang sinasabi
Pwede na bang makatabi?
Kahit sandali lang sige na
Sana pagbigyan pwede ba?
Muhkang tinamaan yata ako... ♪

♥ ♥ ♥ ♥ ♥

Thursday, January 8, 2015

Umbok

Water-water ang Beliebers nang lumabas ang #mycalvins campaign ni Justin Bieber for Calvin Klein. Ang laki na talaga nang ipinagbago niya simula noong Baby, Baby, Baby Ooohhh My days niya. Puno na pala siya ng tattoo at mamaskels na ang katawan. May abs na rin oh! The baby can now make a baby. I'm sure madaming willing magpalahi sa kanya.

Looking at the umbok talilok, mukhang XS lang ang size ni JB. But does size really matter mga ateng? May mga kakilala ako na turn off sa mga otokong dyutay. Kahit gaano daw kagwapo, X sa kanilang notebook. Bet talaga ang dakota harrison plaza men. Queen size ang tawag ko sa kanila. But for me, size doesn't really matter. Ang mahalaga, ang sarap na malalasap! Pinanggigigilan at hinahanap-hanap. Tsaka ang hirap kaya ng malaki. Sakit sa panga at kweba. AY! Wala akong alam ha. Kinwento lang 'yan sa akin. Promise! I swear! I have to prove it pa ahahaha!

Sunday, January 4, 2015

Umaasam

Mary Jean 'MJ' Lastimosa
Miss Universe Philippines 2014
Lumipad at nakalapag na sa Amerika si Mary Jean Lastimosa, ang pinakamagandang Pinay byuti queen of 2014 na lalaban sa Miss Universe. Ilang buwan din ang ating hinintay sa kanyang laban at todong malakas ang ating laban. Ngayon pa nga lang eh marami na ang umaasam na siya na ang makapag-uwi ng ikatlong Miss U crown. Sana naman dahil wit pa akong buhay nung si Margie Moran ang kinoronahan noh!

Photos courtesy of I AM FOR MJ ALL THE WAY FB group

Animal print, black stockings, closed shoes, big hair and her pearly whites ang kanyang official look sa airport. 'Di ko masyadong bet ang pagkakaayos ng hair. Medyo magulo ang hati pero overall, KABOOM ang dating! Bago siya nagflylaloo, ininterview muna siya ng press at nagpa-photo op sa kanyang fans. 'Yan ang isa sa nagustuhan ko kay MJ, wala kiyems sa lahat ng gustong magpa-picture. All smiles hanggang mata. Wit mo mararamdaman na napilitan lang. Kaya ang daming nagmamahal sa kanya.

We wish you all the best MJ! Ipagdarasal namin ang tagumpay ng Pilipinas.

#MJAllTheWay

Thursday, January 1, 2015

High Five

Kalahating dekada na ang ating kariderya! Maraming maraming salamat sa walang sawa niyong suporta sa ating mga putahe - mapa-pulitika man, musika, palabas, babasahin o 'di kaya masasarap na lalake. Kung nabuntis siguro ako noong 2010, ang laki na siguro ng beybi natin. 'Yun nga lang, baka 'di ko alam kung sino ang tatay. Ang dami kasing sperm donor ahahaha!

On a serious note, ilang beses ko nang pinag-isipan na isara 'to. Hindi na kasi aktibo ang ilang kasabayan ko. Pero likas yata akong manunulat. At sa tuwing nararamdaman ko na andiyan kayo - sumusulat, kumo-comment at nagmamasid, agad-agad na magbabago ang isip ko. Tsaka sayang naman ang ating pinagsamahan. Kita niyo naman, 5 years na tayo!

Gusto ko rin i-extend ang aking pasasalamat sa mga out of the country readers natin. Sabi nila, naiibsan kahit papano ang kanilang kalungkutan sa tuwing nagagawi sa ating karinderya. Aaawwww... such sweet words!

CHEERS TO US THIS 2015! More blessings, more blogs and most importantly... more more sarap. Let's high five mga 'teh! PAK!