Friday, January 15, 2016

Nagbabago

All photos grabbed from Facebook
Credits to the owners
From Memories of Old Manila
Naabutan niyo ba ang mga billboard sa larawan? Kung batang 90's kayo, I'm sure na nostalgic ang feeling. Parang ibinalik kayo sa nakaraan, nakasakay sa jeep o bus, nakatingin sa bintana at nadaanan ang mga 'to. May ganito dati sa kanto ng Aurora Blvd. at EDSA, sa tapat ng SM North at bago mag-Quiapo underpass. Manual na ipinipinta ang movie posters para sa promotion ng pelikula. By square box kung ikabit 'yan. Minsan dalawa, apat, anim o walo - depende sa laki.

From Kami ang Batang 90s
From Philippines Shocking History
Madalas akong makakita nito tuwing magsisimba kami ni mudra sa Quiapo. I can say that it's very similar to Pinoy komiks drawing. Makulay, agaw-pansin at nakahahalinang pagmasdan. Kuhang-kuha ng dibuhista ang histura ng mga artista. Pero minsan hindi, kaya nakakatawa din. Sa pag-usbong ng tarpaulin printing, unti-unting nawala ang sining na 'to. May mangilan-ngilan pang makikita sa mga lumang sinehan sa Recto. Nakalulungkot man pero ganon talaga ang buhay... nagbabago.

3 comments:

  1. I remember nung bata pa ako, sa tuwing may pinupuntahan kami ni mudra ay lagi kong inaabangan ang pagdaan ng aming sinasakyang jeep sa certain location na may movie billboard na pintang-kamay din. Bilang bata, manghang-mangha ako noon kung paano nila nagagawa ang ganun kagandang larawan. Nostalgic rin iyon para sa'kin dahil naaalala ko ang childhood ko. Ang nakakatuwa niyan ay magpahanggang sa ngayon ay nakikita ko pa rin ang billboard na iyon.

    ReplyDelete
  2. Yes. Binibining melanie... pati sa may edsa taft noon...

    ReplyDelete
  3. Ha ha namiss ko ung jan sa may EDSA corner Aurora Blvd. ... minsan pasado ang work nila pero minsan din ay sablay na mukhang bruha ung mga bida he he he ; )

    ReplyDelete