Sunday, January 3, 2016

Trato

Kumustasa ang unang dalawang araw ng 2016 ninyo? Mine was okay at kumayod agad. Alam niyo naman, ang baklang gipit, sa double pay kumakapit. CHAROT! Anyways, may nag-comment sa inyo sa recent post ko about this website na walang paalam na ginamit ang pic ni poging taxi driver. Remember him? Kung hindi, click niyo itez.

So eto ang nangyari, nilagyan niya ng watermark ang litrato pretending na siya ang kumuha. Tinakpan ang mata ng manipis na vertical line para siguro hindi makilala pero fail. Ginawan ng kwento na dinagdagan pa ng video scandal na 'di kita ang fes. Ang kabuuan ng istorya - may nangyari daw sa kanila. NAKAKALOKA! 

Agad-agad akong nabahala kasi kasiraan kay pogi ang post. Paano kung may makakilala dahil sa epic fail na vertical line? Concern talaga ako because he is one of the most polite guys na nakilala ko. Baka magbago ang trato niya sa lahi natin.

I did a little research sa Facebook at swerte, may account ang writer. He posted the same pic on his wall to tease his friends and readers. Nag-comment ako asking him if we can exchange messages in FB. No harm intended. Just want to clarify things since I was the one who captured the image. Afterall, malaki ang responsibilidad namin sa aming readers. Kayo ang rason kung bakit kami patuloy na nagsusulat. Humingi din ako ng tulong sa may-ari ng subdomain na ginagamit niya.

After a few hours, he sent a PM and I informed him about the photo. He said sorry at binura ang post. Again, I reiterated the responsibility in sharing thoughts and opinions to readers. He just sent a thumbs up emoji.

Isa sa mahahalagang aral na natutunan ko sa paggawa ng blog ay ang responsibilidad na i-validate ang impormasyon na aking gagamitin. Kaya much appreciated ko kayo kapag kino-correct niyo ang error ko. I am very much open with that. 'Wag kayong titigil. Sa panahon ngayon na naglipana ang false news at mapanirang posts, credibility is very important.

Now, if I'm going to create a story - 'yung talagang kathang-isip lang, for fun at nunca nangyari sa totoong buhay, malalaman niyo agad. Witchells tayo magke-claim ng kung anu-ano. Wala namang benefit sa atin 'yan. Gets kong maaari tayong makakuha ng papuri, paghanga at inggit pero saan ba nanggaling? Sa isang bagay na hindi naman sa atin nangyari. That I cannot take.

PS: Maraming salamat sa mga vigilant sisters ko. Dahil sa inyo, naprotektahan natin si pogi. PAK!

12 comments:

  1. Do you do your own drawings? They look really nice and professional-looking.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I agree. That caricature really looked like him/her. Bb Melanie, can I know what app or software did you use to draw this? If it was hand-drawn, what did you do to digitized it?
      Answer me please.

      Delete
  2. for sure ateng kalat na yung pics nung boylet, wag lang sana gsamitin sa kaimoralan, you know what i mean ate.

    ReplyDelete
  3. Tama yan teh Melanie, marami sa ating lahi ang hilig mabuhay sa ilusyon to the point na manghahamak ng ibang tao. Isa kang asset sa lahi ng federasyon, keep up the good work. Sa panahon ngayon iilan nalang ang totoo at may credibilidad. Kelan man hindi natalbugan ng FAKE ang pagiging Original. Mabuhay ka!

    ReplyDelete
  4. Everyone of us is responsible for what we post on social media. It can either help build up or destroy. Posting fabricated stories just to get praises is never praiseworthy. Honesty and transparency is what I consider commendable.

    ReplyDelete
  5. -Teh Anonymous 1 and AnonymousBeki, wit ako marunong mag-drawing! Buti na lang at may Bitstrips app na pwedeng magamit ;)

    -Teh Anonymous 2, hopefully na-prevent natin 'yan. Dami kasing mapanlinlang haaayyyy...

    -Teh Anonymous 3, salamat sa suporta! Mwah mwah!

    ReplyDelete
  6. Parehas ko kayung paboritong blogger although mas nauna ka kitang nabasa.. pero diniactivate na nya blog nya..sana patawarin mo na sya new year nmn...

    ReplyDelete
  7. -Teh Ken, maraming salamat! *hugs*

    -Teh Anonymous 4, 'di naman deactivated. He just changed the setting from public to private. Tsaka higit sa akin, I think mas nagkasala siya sa readers niya. He owe them an explanation and apology.

    ReplyDelete
  8. I have nothing against the blogger but i actually read some of his posts and i am like "ooooooohh really" after i learned of this exposé. Anyways ateng i saw u on tinder haha. Sana you can make a post regarding these dating apps. Hehe

    ReplyDelete
  9. bitstrips is sooooo 2013. gosh yung iba dito dont know what app is that? oh my gosh saan ba kayo nakatira? kalokang mga ito. eeew

    ReplyDelete
  10. So do you think just because you know what Bitstrips is, that made you sosyal? Ang babaw mo teh.

    ReplyDelete