Saturday, August 13, 2016

Patron

Mga ateng, I am OVERWHELMED with your comments from my last post! Busog na busog ang puso ko sa suporta at pagmamahal niyo. Salamat sa mga nagbahagi ng sarili nilang karanasan. Na-inspire akong lalo na ipagpatuloy ang laban namin ni La Mudra. Salamat din sa pagpapaalala na huwag bibitiw sa Kanya.

Manila Bay sunset
Dahil parang contestant ako sa Extra-Challenge these past few months, natagpuan ko na lang ang sarili ko na naglalakad-lakad sa Baywalk. Kapag halos hindi ko na kayanin ang mga pagsubok na dumarating, personal man o sa trabaho, dito ako napapadpad at pinanonood ang isa sa pinakamagandang sunset sa mundo. Narerelax ang isipan ko tuwing nakikita ko ang banayad na pag-alon ng tubig habang nag-iiba ang kulay ng langit sa paglubog ng araw. Dito ko rin nakikita ang iba't ibang tao na sa simpleng paraan ay nag-e-enjoy sa buhay - mga batang naglalaro habang binabantayan ng magulang, mag-jowang kumakain ng Moby habang nagse-selfie, mga afam na nagja-jogging, sina lolo't lola na namamasyal at going strong pa rin, mga estudyanteng naghaharutan at mga soloistang tulad ko na gusto ng "me time". Aaahhh... nothing beats simple joys.

Malate Catholic Church
After the sunset, isang tawid lang para makapagsimba sa Malate Church. Infairness sa simbahang ito, ang bongga nang pagkakaayos. Ni-restore ang Baroque style kaya pagpasok, feeling mo nasa Spanish era ka. Nasan na ba ang mga meztisong kawal? CHOS! A little bit of history mga ateng - this was built in 16th century by the Augustinians. Ang patron ng simbahan ay si Nuestra Señora de Los Remedios at ang santo ni Mama Mary na nasa altar ay dinala pa mula España noong 1624. Lakas maka-Hekasi ng kuda ko! 6 pm ang mass schedule na naaabutan ko at usually, mga foreign priests ang nagmimisa.

I hope to share more moments with you, mga ateng! Mapapadalas na ulit ang aking pagsusulat dahil sa walang sawa niyong pagmamahal.

4 comments:

  1. God bless you...iba talaga tayung mga bading mapag mahal sa magulang ...may pinag daraanan na nakukuha pang mag patawa.. sana malagpasan mo din yan with God's help.

    ReplyDelete
  2. Ms Mel keep strong...

    ReplyDelete
  3. ateng you are advertising na mga gadgets? kahit sa last post may inadvertise ka ata? sa new job mo ba yan?

    ReplyDelete
  4. Miss u teh buti nman balik post ka na ulit...god bless u...

    ReplyDelete