Sunday, August 21, 2016

Grande

Last month, nagbakasyon grande kami ng mga college friends ko sa Boracay. This is my second time to visit one of the most popular beaches of the world. I was with Ateh Paul, Karen, Chari, Chelie, Tracy, Xheng and her sister Ysai. As usual, budget diva ang byuti kez. Less than 5 kwit ang gastos. Siyempre, givesung ako tips para kayo din ay makatipid.

Muntik nang maiwan ng eroplano
We booked the ticket in advance. September last year at promo ng AirAsia. Around 1.2k lang ang round trip ticket. Pagdating sa Kalibo Airport, nag-van kami instead na bus. Mas mabilis at mas mura. 200php lang ang isa papuntang Caticlan port. Pay ng terminal and environmental fee plus bangka na hindi aabot sa 300php. Tryke na bente pesos at Boracay na!

On our way to Puka Beach
Pagdating sa accomodation, panalo ang Morning Star sa Station 3. Beach front na, mura pa sa halagang 1.5k per night. All-expense paid ni Madame Karen. Dalawang kwarto ang ginetching namin at nanatili ng 3 days and 3 nights. May TV, Wi-Fi at mainit na tubig sa umaga. Perfect pang-kape. PAK! Mahalya fuentes ang fudang sa harap ng karagatan kaya laps kami sa mga karinderya sa likod ng D*Mall. Sulit na sulit ang mga meal from 40-70php.

Puka Beach
Ang ganda ni Chari oh!
Una kong bisita sa Boracay ay witchells kami natuloy sa Puka Beach dahil sa lakas ng alondra. May alternate way pala para gumora doon - ang pagsakay ng tricycle powered by rechargeable battery. Eco-friendly! Bale 400php kaming lahat. Walang fee sa pagpasok sa beach pero required umorder ng kahit anez. Nakakalula ang presyo ng Coke 12oz sa halagang 150php. Bumayla din kami ng pansit at calamares na umabot din lagpas 1k. Sulit naman dahil less tao sa lugar at napakaganda ng tanawin. Ang buhangin daw dito ay gawa sa durug-durog na shells kaya pala ang sarap apakan at damhin sa kamay. Hindi pa ito kasing developed ng Boracay stations 1 to 4 kaya talagang ma-appreciate mo ang regalo ni Mother Nature.

Kaya niyo pa ba?
We spent our afternoon there then balik kami sa beach proper. Naaya mag-adventure ang mga bakla kaya no choice kundi sumama sa gitna ng karagatan. Mag-flying fish daw sila for 600php each. Hindi na masama. Dahil kyorkot ang byuti kez at wit marunong mag-swim ala-Goldeen, pinabayaan na namin sina Ateh Paul, Xheng, Ysai, Chelie at Chari. More picture kami nina Tracy at Karen sa ibabaw ng waiting area. Feeling nasa yacht kakaselfie.

Mga afam, bingwitin niyo na akez
I think the most breathtaking part when you go to Boracay is the dramatic sunset. Hindi kumpleto ang trip kung wala nito. Halos mapuno ng tao ang shore mapagmasdan lang itey. Iba ang saya na dulot ni Inang Kalikasan. And the fee to see this? NADA! Real happiness is priceless. PAK!

Sunset at Boracay
On our last night, bet naming lumaps sa medyo shaley at sa Sands kami napadpad. Hindi na masama ang halagang 250php nilang hapunan. Solb na solb sa inihaw na manok, baboy at mainit na kanin. Medyo matagal ang order sa ganitong kainan at tom jones na kami kaya ayun, kami na ang sumandok sa soup kahit dapat eh ihahain sa amin. KAKALOKA! Ambabait din ng staff nila at maasikaso. Love it!

Picture muna kahit gutom
Hindi na kaya ni Ateh Paul
Monday morning came quickly. We packed our bags and left the island at 7am. Baka mahuli pa kami sa check-in ng 11am. Bumili ng konting pasalubong sa pamangkin worth 150php, tryke for 20php, bangka for 25php and van for 150php. Same driver dahil kinontrata namin siya at pumayag naman sa mas mababang halaga. Oh di ba, ang murayta? Perks of traveling on an off-peak season!

No comments:

Post a Comment