I've been with the same set of friends since I was 18. Mga college students na ang daming pangarap. Magkakasama sa hirap ng project at ginhawa sa taas ng grado. Hanggang sa ngayon, kami-kami pa rin ang nagdadamayan kahit may kanya-kanya na kaming buhay. Some of them may mga junakis na, may sariling negosyo, may asawa o 'di kaya, todong busy sa trabaho. I'm glad na kahit ganoon, we find time to bond and enjoy life.
|
We call ourselves Bitches and Kikays |
|
B&K invades Bohol |
Kapag galaan outside NCR, sina
Ateh Paul, Chelie, Xheng, Karen, Tracy, Chari at
Gladys ang madalas kong kasama. Before Boracay last month, we went to Bohol in 2013. White beach din at mas maraming mother nature encounter. Wala masyadong establishments which is good if I may say. We normally like to have some fun in the sun. Mga hindi takot umitim kakaligo sa karagatan. Gladys is now based in Canada so she missed the escapade we had last month. We're looking forward na pagbisita niya eh gagala ulit kami.
|
JB, Chari and Delma |
When it comes to more personal and serious issues, I go with
Chari, JB and
Delma. I call them my Super Friends. Mga magkukumare kami dahil ang mga anak nila ay inaanak ko. Work, relationship, family at iba pang malalalim na isyu ay sa kanila ko naibabahagi. Simple lang ang trip namin - gumala sa mall, maglakad nang maglakad hanggang sa mapagod at mag-kape.
|
Circa 2007 |
|
Ayan, malinaw na ang camera |
Hindi din pwede na wala kang makakaibigan sa trabaho. 'Ika nga nila, no man is an island. Iba ang pressure kapag may demands at metrics na kailangan i-meet and I'm glad that in my 10 years in the BPO industry, I kept some real friends. There's
Alistaire na miss na miss ko na. Ang daming isyu sa lovelife niyan. 'Di kasi nawawalan ng boys.
CHOS! Then I have
Julius Jaguio na ngayon ay unti-unti nang nakikilala sa fashion industry via Pegarro clothing line. Si
MJ na in-attitude-an ko dati but now, close kami sa office and we have a very mature friendship. Ibang level ang kaseryosohan sa buhay pamilya. I have
Aly na kahit minsan lang kami magkita, eh very close pa rin kami.
Matet which is now based in the US. Kahit nagta-trabaho, may time pa rin chumika sa Viber.
|
Meet my bestfriend Kriselda |
I should never forget my bestfriend for life, si
Kriselda. Magkaklase kami sa Grade 6 at ang una naming napagakasunduan - Spice Girls. Faney na faney kami ng mga kanta at sayaw nila. Since then, inseparable na kami. Kahit sa ibang eskwelahan siya nakapag-high school, may constant communication talaga kami pre-cellphone era pa. More on punta sa bahay or tawagan sa landline. Kapag weekend, maglalaro kami ng arcade games sa SM at titingin-tingin ng latest cassette tape sa Odyssey or SM Record Bar. How I miss those times!
|
Aly, Hershel and Ellen |
I now have a different perspective when it comes to friendship. Maybe because of age and experiences in life. Kung dati ay party-party, gimik at gastos, ngayon ay mas malalim na ang pananaw ko dito. I'm glad that I'm able to capture memories with them. Life is good with friends lalo na kapag may picture that will serve as remembrance.
Of course, last but not the least, kayo mga ateng ay mga kaibigan ko rin. Salamat sa walang sawang pagbisita sa ating kaharian upang tumikim ng iba't ibang putahe. Cheers para sa mas marami pang masasarap na ulam!
No comments:
Post a Comment