Tuesday, November 28, 2017

Salamat 8.0

Miss Universe 2016 Iris Mittenaere in Michael Cinco
Tulad noong 2015, dalawang Miss Universe pageant ang naganap ngayong taon. Tuluyan nang nagpaalam si Iris Mittenaere sa kanyang titulo after 10 months of wearing it at ipinasa kay Demi-Leigh Nel-Peters. Glamorosa ang lola niyo in her red Michael Cinco gown. Para sa akin, isa siya sa pinakamagandang Miss Universe winner.

Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters
After 39 years, nakuha muli ng South Africa ang korona ng Miss U. Kabog naman kasi ang beauty and personality ni Demi-Leigh Nel-Peters. Her gown and face reminds me so much of Zuleyka Rivera when she was crowned in 2006. May pagka-maldita ang aura at parehong Mikimoto crown ang korona. Nilampaso pa niya ang mga kalaban sa swimsuit, evening gown, interview at Q&A segments. Kaya kahit masama ang loob ng karamihan na 'di naka-swaksi sa top 5 si Rachel Peters eh tanggap nila ang resulta. Pakaganda naman kasi niya!

Rachel Peters during the swimsuit competition
Speaking of Rachel, I felt na ginawa niya naman ang best in all the rounds na kasama siya. Her body was to die for wearing that blue swimsuit. Eto talaga 'yung forte niya eh since she loves the beach according to her VTR.

Rachel Peters in Valta Guba
Ang bongga pa ng Valta Guba powder blue gown niya. Medyo sight nga lang ang white panties underneath. Sana nag-color skin tone siya para 'di masyadong halata. Although may nabasa ako na too revealing daw ang cut, sa akin ay tamang-tama lang. It highlighted her beautiful body.

Bet ko rin ang kanyang Sarimanok-inspired national costume na same designer din ang gumawa. Very innovative mula sa nakasanayang Filipiniana. Levelling tayo sa latina costumes.

Sarimanok-inspired national costume
Madami ang umasa na matatawag siya sa top 5. 'Yun nga lang, 'di tayo sinuwerte this time. May dirty chika pa nga na baka daw todong binabaan ni Pia Wurtzbach ang score niya dahil galing sila sa magkaibang beauty camp. ANG CHAKA! Feeling ko, masyado lang tight ang competition this year. Palaban lahat ng merlat sa top 10.

Kung ako ang tatanungin, almost perfect na ang performance ni Rachel. Siguro kinulang lang sa aura during the evening gown competition. Gusto ko man mag-twirl siya katulad sa Binibining Pilipinas eh hindi naman yata bagay sa suot niya.

Hindi pa naman tapos ang laban, mga ateng. May dalawa pang pageants na paparating... Miss Supranational sa December at Miss Intercontinental sa January. Malay niyo, sina Chanel Thomas at Katarina Rodriguez na pala ang mag-uuwi ng korona.

WE ARE PROUD OF YOU, RACHEL! ♥

Sunday, November 26, 2017

Lutong

Habang todo scroll ako ng Facebook news feed, nadaanan ko ang imbitasyon for Reflexive Cinema Series at the Cultural Center of the Philippines. Ipapalabas daw ang 1985 film na Bomba Queen starring Ms. Rita Gomez and Sarsi Emmanuelle. Hango ang istorya nito sa buhay ng 70's bomba star na si Yvonne. Bilang Sabado ang event at libre ang entrance, pinindot ko ang Going button. Naganap itez kahapon, November 25.

Saktong alas-tres ng hapon ang dating ko at doon lang sa venue sinabi na director's cut ang mapapanood namin. Tumataginting na 145 minutes ang itatakbo o 2 hours and 25 minutes. Ang haba, de vaahh?! Rare na ang ganyan sa mga pelikula, mapa-local man o foreign.

Yvonne and Sarsi Emmanuelle
Umattend ang bida ng pelikula na si Sarsi Emmanuelle na kahit ilang taon na ang lumipas ay maganda pa rin. Dumating din si Yvonne na may pasabog during the open forum. Bilang suporta sa kaibigan, naroon din si ASEAN lane kween, the one and only Maria Isabel Lopez. Kapag nakikita ko talaga siya, nagu-good vibes ako. Love her!

The original movie poster
Bomba Queen (1985)
Seiko Films
Directed by Efren C. PiƱon
Screenplay by George Vail Kabrisante
Starring Sarsi Emmanuelle, Myra Manibog, Ronaldo Valdez and Ms. Rita Gomez

Si Rose (Emmanuelle) ay binili ni Mommy Carol (Gomez) sa kanyang ina-inahan para maging artista sa Maynila. Hindi niya alam na gagawin pala siyang bayarang babae. Dahil hindi masikmura ni Rose ang kalagayan, tumakas siya sa tulong ng jowa ng bugaw (Valdez). Naging artista sa mga bomba films bilang Yvonne, nabuntis, naghirap at nalulong sa bisyo.

Dahil hindi maka-getover sa heartache si Mommy Carol, tinunton niya ang dating alaga at binalak perahan. Ang lutong ng sampalan nila sa garden na nauwi sa pagkalaykay ni Yvonne sa mata ng bruha. Mas sumidhi ang poot ng lola niyo kaya humantong sa kidnapan ang eksena. In the end, nailigtas ang bata at napatay ang kontrabida. Mala-Tomb Raider ang ending.

Napaka-sensual nang pagkakagawa ng Bomba Queen lalo na ang mga sex scenes. Naloka ako doon sa pinilit ipabuka ang bibig ni Rose at dinuraan. Lunukin pa daw. YAY! Tsaka 'yung bonggang eksena na sumasayaw sa harap ng madlang pipol si Lorna played by Myra Manibog. May dala siyang saging, binalatan, pinasok sa kipay at hiniwa-hiwa palabas. Kawawang saging ahahahaha!

After the film showing, the moviegoers had the chance to ask questions. Naging emosyonal si Yvonne sa isang tanong because it was a painful moment in her life when the movie was shown. 10% lang daw ng pelikula ang totoo. Nag-file siya ng lawsuit against the producer which was Robbie Tan of Seiko Films. Pero dahil sa higante ang kanyang kinalaban at tumestify pa against sa kanya si Ms. Rita Gomez, natalo siya sa kaso. She got teary eyed upon stating this. Kung mapapanood niyo ang pelikula, halata namang ang layo sa realidad nung ibang eksena lalo na ang ending.

On the other hand, Sarsi Emmanuelle has no plans yet to return to showbiz. Gusto muna niyang mag-focus sa kanyang 8-year-old baby. Malay natin, kapag may magandang offer at role, bumalik siya sa akting. She's a great actress, IMO.

Thank you to the Society of Filipino Archivists for Film (SOFIA), National Commission for Culture & the Arts (NCCA) and the Cultural Center of the Philippines - Media Arts Division for giving the public the opportunity to watch this classic Filipino movie. We are looking forward to your next screening.

Puna

Usapang tren pa rin, mga ateng. Sumakay ng MRT at LRT ang bagong presidential spokesman na si Harry Roque to understand the situation of everyday commuters. Inulan ng puna ang kanyang ginawa dahil tila daw publicity stunt at maagang pagpaparamdam sa 2019 election. Paano ba naman, sumakay siya na tapos na ang rush hour. Ang dami pa niyang kasamang media at hindi naiwasang ma-VIP treatment.


Mukha naman sincere si PS Roque sa kanyang hangarin. Hindi lang maiiwasang mabahiran ng puna lalo na't wala masyadong tao nang sumakay siya. Tsaka siyempre, kapag alam ng pamunuan ng tren na may government official na sasakay, best foot forward 'yan. Gagawin ang lahat para maging seamless ang experience. Sila din kasi ang mapapahiya at baka masabon pa ng kanilang mga bossing.

Sumakay na rin noong 2014 si Senator Grace Poe pero mas positibo ang tanggap ng mga utaw. Ibang-iba naman kasi kung ikukumpara sa ginawa ni PS. Let us refresh our memories 3 years ago...


Oh de vah?! Todo pila talaga ang anak ni FPJ at walang kasamang bodyguard o sandamukal na media. Hindi pa siya nakaabala sa ibang pasahero. Mas marami din siyang napansing problema na sadly eh hanggang ngayon nag-e-exist. 

Kelan oh kelan ba masosolusyonan ang problemang ito? Sino-sino pa ang sasakay para malaman talaga ang paghihirap ng masang Pilipino? 

Wednesday, November 22, 2017

Kumalas

Kahit hindi na ako nag-e-MRT araw-araw, hindi ko maiwasang maapektuhan sa tuwing binabalita na tumirik ang tren, North Ave. to Shaw lang ang biyahe o di kaya nagpababa ng mga pasahero at todong pinaglakad hanggang sa pinakamalapit na istasyon. At nito lang, kumalas ang bagon sa pagitan ng Buendia at Ayala station. Konti na lang eh, Ayala na. Pucha, nabitin pa. Ayun, late tuloy. Tsaka 'yung feeling lang na maglakad sa riles in your business attire at leather shoes, ang init na. Paano pa kaya kung itatapak mo sa naglalakihang bato ang iyong doll o pump shoes? Doble pasakit kung may heels pa. PATAWARIN!

Infairness naman kay Pangulong Duterte, nagpakumbaba at humingi ng dispensa sa publiko. Although isa sa pangako niya ang pagsasaayos ng MRT noong halalan, understand that it would take time. 'Wag lang sanang abutin ng anim na taon.

Nagsampa na rin ng kasong plunder ang DOTr laban sa dating administrasyon dahil sa diumano'y maanomalyang maintenance contract. Bahala na ang Ombudsman diyan, ang mahalaga ay may managot sa paghihirap ng mga Pilipinong umaasa sa mabilis, ligtas at maaasahang tren.

Bukod sa tren, eto pa ang ilan sa problema ng MRT:
  • Riles - masyado nang gasgas kaya hindi mapatakbo nang mabilis ang tren. Baka magkadisgrasya pa.
  • Elevator/Escalator - palaging out of service. Nakakaawa ang mga senior citizen, PWD at buntis na hirap na hirap umakyat sa matarik na hagdan. 
  • Mandurukot - andiyan pa rin ang mga nang-iipit sa pintuan at nanglalaslas ng bagelya. 'Di mahuli-huli. KALOKA!
  • Haba ng pila - hindi makokontrol ang dami ng tao na nais sumakay ng tren pero mapapaikli ang pag-aantay kung sunud-sunod ang dating ng tren
Mr. President and DOTr secretary, we have high hopes that you will work hard to provide us a reliable MRT. Kahit na sira-sira at palaging may aberya, hindi ito nawawalan ng pila. Tulad 'yan ng pag-asa namin na sana balang araw, bobongga ang serbisyo nito. After all, the Filipino people deserves high-quality service.

Monday, November 20, 2017

Mansanas

Sumabog ba ang mga pozo negro niyo sa previous post ko? Bongga talaga kapag si titah Ben Chan ang naghanda, malasa at de kalidad. Ginawan ko talaga ng separate post ang dalawang pasavogue that night, sina Markki Stroem at Rocco Nacino. Kiber at walang havs silang rumampa in their tiniest underwear. Halos wala na silang itinira sa malinis nating imahinasyon. Nakakabaliw, nakakawala sa sarili. Kung andun siguro ako, baka wit ko mapigilang umakyat ng stage at kagat-kagatin ang makasalanang mansanas. ANG SARAP! 

Parang si Rocco ang pumalit sa pwesto ni Jake Cuenca bilang pinakamapangahas na rumampa. Before this, nagpasexy na rin siya sa Cosmo Men 2010. Dedma kung maiksi ang katawan at medyo malaman, malinamnam naman. Show mo lang nang i-show, baby!

Rocco Nacino for Bench Under The Stars
***
Transparent ang strap ng g-string ni fafah Markki at kitang kita na ang perineum area niya. Zoom niyo lang mga ateng at masasight niyo ang ligaya! Sana next time, transparent na lahat. Kapag nangyari 'yan, baka talagang magka-tsunami na sa MOA Arena. Swerte ng jowa niya huh! Inggit me much.

Markki Stroem for Bench Under The Stars
YUMMYLICIOUS!!!

Sunday, November 19, 2017

Umapaw

The holiday season is so here. Can you feel the cold breeze at night? Have you tasted the bibingka and puto bumbong outside the church? Meron na sa ibang lugar niyan kahit far away pa ang Misa de Gallo. At sa mga malls, todo sa dami ng utaw lalo na dun sa bandang gadgets. Mag-a-upgrade siguro ng ketay. YAYAMANIN! Mukhang may 13th month pay na sila. Aketch, waley pa. Most likely sa December pa pumasok. Mabuti na 'yon kesa magastos nang maaga. Baka maipanlalaki ko pa. CHAR!

Yesterday, titah Bench Chan gave us an early Christmas present, ang Bench Under The Stars. JUICE KEW! Umapaw ang Manila Bay kahit hindi jumulanis. Kasi naman, nagsasarapang mowdels at ta-artits na nakasexy outfit and skimpy underwear ang nagpa-water-water sa mga seswangs natin na dumayo pa sa MOA. Sa picture pa nga lang, halos madehydrate na ang tilapia ko. Paano pa kaya kung sa personal? KALOKA! At dahil alam ko naman na bet niyo rin silang masilayan, heto ang compilation of their pictures from MegaStyle.ph and MOA Arena kaya credits to them. 

Warning: Sa sobrang sarap, tiyak aabot ka sa ulap. PAK!

 Anjo Damiles (kaano ano niya si Aileen Damiles?)

Marco Gumabao (cuteness!)

 John Spainhour (forever love natin)

 Bruno Gabriel (OMG!)

 Albie CasiƱo (patikim kami ng lollipop)

 Addy Raj (bakit 'di ikaw ang pinili ni Barbie Forteza?)

 David Licauco (authentic Chinese delicacy)

 Dominic Roque

Ahron Villena

 Enzo Pineda

 Kiko Estrada

 Tom Rodriguez

Ruru Madrid (pakili-kili is the best)

 Pancho Magno

Derrick Monasterio

 Mostafa Elezali and Matthew Custodio (my new crush)

 Paulo Avelino and Trevor Signorino

Pietro Boselli

Ano mga ateng, buhay pa ba kayo?