Habang todo scroll ako ng Facebook news feed, nadaanan ko ang imbitasyon for
Reflexive Cinema Series at the
Cultural Center of the Philippines. Ipapalabas daw ang 1985 film na
Bomba Queen starring
Ms. Rita Gomez and
Sarsi Emmanuelle. Hango ang istorya nito sa buhay ng 70's bomba star na si
Yvonne. Bilang Sabado ang event at libre ang entrance, pinindot ko ang
Going button. Naganap itez kahapon, November 25.
Saktong alas-tres ng hapon ang dating ko at doon lang sa venue sinabi na director's cut ang mapapanood namin. Tumataginting na 145 minutes ang itatakbo o 2 hours and 25 minutes. Ang haba, de vaahh?! Rare na ang ganyan sa mga pelikula, mapa-local man o foreign.
|
Yvonne and Sarsi Emmanuelle |
Umattend ang bida ng pelikula na si Sarsi Emmanuelle na kahit ilang taon na ang lumipas ay maganda pa rin. Dumating din si Yvonne na may pasabog during the open forum. Bilang suporta sa kaibigan, naroon din si ASEAN lane kween, the one and only
Maria Isabel Lopez. Kapag nakikita ko talaga siya, nagu-good vibes ako. Love her!
|
The original movie poster |
Bomba Queen (1985)
Seiko Films
Directed by Efren C. PiƱon
Screenplay by George Vail Kabrisante
Starring Sarsi Emmanuelle, Myra Manibog, Ronaldo Valdez and Ms. Rita Gomez
Si
Rose (Emmanuelle) ay binili ni
Mommy Carol (Gomez) sa kanyang ina-inahan para maging artista sa Maynila. Hindi niya alam na gagawin pala siyang bayarang babae. Dahil hindi masikmura ni Rose ang kalagayan, tumakas siya sa tulong ng jowa ng bugaw (Valdez). Naging artista sa mga bomba films bilang Yvonne, nabuntis, naghirap at nalulong sa bisyo.
Dahil hindi maka-getover sa heartache si Mommy Carol, tinunton niya ang dating alaga at binalak perahan. Ang lutong ng sampalan nila sa garden na nauwi sa pagkalaykay ni Yvonne sa mata ng bruha. Mas sumidhi ang poot ng lola niyo kaya humantong sa kidnapan ang eksena. In the end, nailigtas ang bata at napatay ang kontrabida. Mala-Tomb Raider ang ending.
Napaka-sensual nang pagkakagawa ng Bomba Queen lalo na ang mga sex scenes. Naloka ako doon sa pinilit ipabuka ang bibig ni Rose at dinuraan. Lunukin pa daw.
YAY! Tsaka 'yung bonggang eksena na sumasayaw sa harap ng madlang pipol si
Lorna played by
Myra Manibog. May dala siyang saging, binalatan, pinasok sa kipay at hiniwa-hiwa palabas. Kawawang saging ahahahaha!
After the film showing, the moviegoers had the chance to ask questions. Naging emosyonal si Yvonne sa isang tanong because it was a painful moment in her life when the movie was shown. 10% lang daw ng pelikula ang totoo. Nag-file siya ng lawsuit against the producer which was
Robbie Tan of
Seiko Films. Pero dahil sa higante ang kanyang kinalaban at tumestify pa against sa kanya si Ms. Rita Gomez, natalo siya sa kaso. She got teary eyed upon stating this. Kung mapapanood niyo ang pelikula, halata namang ang layo sa realidad nung ibang eksena lalo na ang ending.
On the other hand, Sarsi Emmanuelle has no plans yet to return to showbiz. Gusto muna niyang mag-focus sa kanyang 8-year-old baby. Malay natin, kapag may magandang offer at role, bumalik siya sa akting. She's a great actress, IMO.
Thank you to the
Society of Filipino Archivists for Film (SOFIA), National Commission for Culture & the Arts (NCCA) and the
Cultural Center of the Philippines - Media Arts Division for giving the public the opportunity to watch this classic Filipino movie. We are looking forward to your next screening.
No comments:
Post a Comment