Mass dedicated to La Mudra |
I can still remember the day we carried her sa sasakyan para sa kanyang regular dialysis. Kahit sobrang namayat at nasasaktan, hindi ako nawalan ng pag-asa na siya ay gagaling din. Laban lang, sabi ko sa kanya at sa sarili ko. Wala naman siyang taning sa buhay, nasira lang ang kidneys niya. Nasurvive nga niya ang stroke, masusurvive niya din ito. Sinabi ko pa nga sa kanya na kapag nakaipon ako, pwede siyang mag-kidney transplant. Hindi na umabot diyan.
The day before her death, hinaplos niya nang paulit-ulit ang braso ko. Hindi siya nagsalita, umungol lang. I can still feel the warmth of her hands, ang haplos ng kanyang pagmamahal. 'Yun na pala ang huling beses na ako'y kanyang mahahawakan. Ang kamay na umalalay sa tatlong magkakapatid. We were difficult to raise, but she was able to handle our complexities. Minsan, naiiyak na lang siya sa tigas ng ulo namin.
It's hard to write this post lalo na't humahagulgol ako. Pero sabi nila, kapag babang luksa daw, dapat tapusin na ang pagluluksa, ang dalamhati, ang kalungkutan. Baka mahirapan daw ang kaluluwa sa kabilang buhay. And I don't want that to happen. I keep telling myself na hindi na ako iiyak, na hindi na ako malulungkot, na hindi ko na sisisihin ang sarili ko sa mga bagay na hindi ko nagawa para sa kanya pero paano ba? Sapat na ba ang isang taon para diyan? Kapag sinabi ko bang bukas hindi na dapat ganyan ang mararamdaman ko, mangyayari ba? Hindi naman, di ba?
There will always be a missing piece in my heart but it doesn't mean that it will stop beating. Life goes on and I believe La Mudra would like to see me enjoy my life here on Earth while I make her proud in heaven. I will just pray that may God bless her soul and give her the eternal happiness she deserve. Please let her visit me in my dreams.
Ma, I miss you... I love you... I will always do.
Yakap!
ReplyDeleteRamdam ko pa din ang sobrang lungkot at hinagpis mo sa pagkawala ni La Mudra mo. But like you said , life goes on and you must be strong to face it unequivocally. I'm sure she's more prouder in heaven : )
ReplyDelete
ReplyDeleteThe only consolation for you is to know and feel that she is with you in spirit. She is with you because because you know she loves you. Just pray for her guidance and in our way or another, you can feel her presence. God bless you always !
I can feel the sadness in your heart!
ReplyDelete