Tuesday, November 28, 2017

Salamat 8.0

Miss Universe 2016 Iris Mittenaere in Michael Cinco
Tulad noong 2015, dalawang Miss Universe pageant ang naganap ngayong taon. Tuluyan nang nagpaalam si Iris Mittenaere sa kanyang titulo after 10 months of wearing it at ipinasa kay Demi-Leigh Nel-Peters. Glamorosa ang lola niyo in her red Michael Cinco gown. Para sa akin, isa siya sa pinakamagandang Miss Universe winner.

Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters
After 39 years, nakuha muli ng South Africa ang korona ng Miss U. Kabog naman kasi ang beauty and personality ni Demi-Leigh Nel-Peters. Her gown and face reminds me so much of Zuleyka Rivera when she was crowned in 2006. May pagka-maldita ang aura at parehong Mikimoto crown ang korona. Nilampaso pa niya ang mga kalaban sa swimsuit, evening gown, interview at Q&A segments. Kaya kahit masama ang loob ng karamihan na 'di naka-swaksi sa top 5 si Rachel Peters eh tanggap nila ang resulta. Pakaganda naman kasi niya!

Rachel Peters during the swimsuit competition
Speaking of Rachel, I felt na ginawa niya naman ang best in all the rounds na kasama siya. Her body was to die for wearing that blue swimsuit. Eto talaga 'yung forte niya eh since she loves the beach according to her VTR.

Rachel Peters in Valta Guba
Ang bongga pa ng Valta Guba powder blue gown niya. Medyo sight nga lang ang white panties underneath. Sana nag-color skin tone siya para 'di masyadong halata. Although may nabasa ako na too revealing daw ang cut, sa akin ay tamang-tama lang. It highlighted her beautiful body.

Bet ko rin ang kanyang Sarimanok-inspired national costume na same designer din ang gumawa. Very innovative mula sa nakasanayang Filipiniana. Levelling tayo sa latina costumes.

Sarimanok-inspired national costume
Madami ang umasa na matatawag siya sa top 5. 'Yun nga lang, 'di tayo sinuwerte this time. May dirty chika pa nga na baka daw todong binabaan ni Pia Wurtzbach ang score niya dahil galing sila sa magkaibang beauty camp. ANG CHAKA! Feeling ko, masyado lang tight ang competition this year. Palaban lahat ng merlat sa top 10.

Kung ako ang tatanungin, almost perfect na ang performance ni Rachel. Siguro kinulang lang sa aura during the evening gown competition. Gusto ko man mag-twirl siya katulad sa Binibining Pilipinas eh hindi naman yata bagay sa suot niya.

Hindi pa naman tapos ang laban, mga ateng. May dalawa pang pageants na paparating... Miss Supranational sa December at Miss Intercontinental sa January. Malay niyo, sina Chanel Thomas at Katarina Rodriguez na pala ang mag-uuwi ng korona.

WE ARE PROUD OF YOU, RACHEL! ♥

No comments:

Post a Comment