Wednesday, November 22, 2017

Kumalas

Kahit hindi na ako nag-e-MRT araw-araw, hindi ko maiwasang maapektuhan sa tuwing binabalita na tumirik ang tren, North Ave. to Shaw lang ang biyahe o di kaya nagpababa ng mga pasahero at todong pinaglakad hanggang sa pinakamalapit na istasyon. At nito lang, kumalas ang bagon sa pagitan ng Buendia at Ayala station. Konti na lang eh, Ayala na. Pucha, nabitin pa. Ayun, late tuloy. Tsaka 'yung feeling lang na maglakad sa riles in your business attire at leather shoes, ang init na. Paano pa kaya kung itatapak mo sa naglalakihang bato ang iyong doll o pump shoes? Doble pasakit kung may heels pa. PATAWARIN!

Infairness naman kay Pangulong Duterte, nagpakumbaba at humingi ng dispensa sa publiko. Although isa sa pangako niya ang pagsasaayos ng MRT noong halalan, understand that it would take time. 'Wag lang sanang abutin ng anim na taon.

Nagsampa na rin ng kasong plunder ang DOTr laban sa dating administrasyon dahil sa diumano'y maanomalyang maintenance contract. Bahala na ang Ombudsman diyan, ang mahalaga ay may managot sa paghihirap ng mga Pilipinong umaasa sa mabilis, ligtas at maaasahang tren.

Bukod sa tren, eto pa ang ilan sa problema ng MRT:
  • Riles - masyado nang gasgas kaya hindi mapatakbo nang mabilis ang tren. Baka magkadisgrasya pa.
  • Elevator/Escalator - palaging out of service. Nakakaawa ang mga senior citizen, PWD at buntis na hirap na hirap umakyat sa matarik na hagdan. 
  • Mandurukot - andiyan pa rin ang mga nang-iipit sa pintuan at nanglalaslas ng bagelya. 'Di mahuli-huli. KALOKA!
  • Haba ng pila - hindi makokontrol ang dami ng tao na nais sumakay ng tren pero mapapaikli ang pag-aantay kung sunud-sunod ang dating ng tren
Mr. President and DOTr secretary, we have high hopes that you will work hard to provide us a reliable MRT. Kahit na sira-sira at palaging may aberya, hindi ito nawawalan ng pila. Tulad 'yan ng pag-asa namin na sana balang araw, bobongga ang serbisyo nito. After all, the Filipino people deserves high-quality service.

1 comment:

  1. Tapos may sasakay pang pabida na harry roque na mag papa presscon sa loob ng mrt at lrt! Haha

    ReplyDelete