Sunday, November 26, 2017

Puna

Usapang tren pa rin, mga ateng. Sumakay ng MRT at LRT ang bagong presidential spokesman na si Harry Roque to understand the situation of everyday commuters. Inulan ng puna ang kanyang ginawa dahil tila daw publicity stunt at maagang pagpaparamdam sa 2019 election. Paano ba naman, sumakay siya na tapos na ang rush hour. Ang dami pa niyang kasamang media at hindi naiwasang ma-VIP treatment.


Mukha naman sincere si PS Roque sa kanyang hangarin. Hindi lang maiiwasang mabahiran ng puna lalo na't wala masyadong tao nang sumakay siya. Tsaka siyempre, kapag alam ng pamunuan ng tren na may government official na sasakay, best foot forward 'yan. Gagawin ang lahat para maging seamless ang experience. Sila din kasi ang mapapahiya at baka masabon pa ng kanilang mga bossing.

Sumakay na rin noong 2014 si Senator Grace Poe pero mas positibo ang tanggap ng mga utaw. Ibang-iba naman kasi kung ikukumpara sa ginawa ni PS. Let us refresh our memories 3 years ago...


Oh de vah?! Todo pila talaga ang anak ni FPJ at walang kasamang bodyguard o sandamukal na media. Hindi pa siya nakaabala sa ibang pasahero. Mas marami din siyang napansing problema na sadly eh hanggang ngayon nag-e-exist. 

Kelan oh kelan ba masosolusyonan ang problemang ito? Sino-sino pa ang sasakay para malaman talaga ang paghihirap ng masang Pilipino? 

No comments:

Post a Comment