Tuesday, June 19, 2012

Darna at Dyesebel

Miss na miss ko na talaga ang magbasa at mangolekta ng lokal na komiks. Mukhang malabo nang magreincarnate ang idustriyang ito. Sinubukang buhayin ni direk Carlo J. Caparas noong 2007 ngunit nahinto din matapos ng ilang labas.

Sina Darna at Dyesebel ang dalawa sa pinakasikat na karakter na nagmula sa komiks. Sila'y likha ni Mars Ravelo na parehong lumabas sa mga pahina ng Pilipino Komiks. Ang inyong mababasa ay mula sa 50th anniversary issue ng nasabing komiks na lumabas noong Hunyo 17, 1997.



*Open the images in new tab for larger version.

5 comments:

  1. FYI: According sa episode ng I-witness documentary ni Howie Severino, tungkol sa history ng Philippine film archive isa sa nahanap nilang print ay ang pelikulang Darna na nahanap nila sa Thailand 35mm print dub in Thai language. Nakakagulat sa kanilang panonood ng kopya pelikulang "Darna" tangging si Valentina, lang ang bida na lumabas sa kabuuan ng print....WaaH! si Darna. Nakakaloka diba. Dahil ang pagkakaalam natin kay Valentina, ay kontrabida. Pero ang paliwanag naman ni Mr. Nick De Ocampo, isang film historian/ Director/ head ng Mowelfund. "Darna" ang naturang pelikula na nahanap. Ang kanyang theorya malaki ang posibilidad ang tunay na Darna ay si Valentina or pwedeng hinati ang pelikula sa dalawa pero ang tanong nasaan ang kahati ng pelikula kung saan na doon si Darna?

    Nakakaloka Diba!


    -Mareng Lee.

    ReplyDelete
  2. Mareng Lee, that's one of my fave episodes of I-Witness :)

    ReplyDelete
  3. kaya misan hindi ako naniniwala sa picture melanie... anung taon ang mga komiks ng mauso yan...joke

    ReplyDelete
  4. Huwag kang mag alala Madam, unti unti naulit nabubuhay ang Pinoy Komiks, yun nga lang kailangan na natin mag move on from that kind of drawing and plot to a higher level. Kasi dapat yung catchy sa mata ng mga bata, kasi sila yung bubuhay nyan eh. Try to search for Andong Agimat by arnold arre, Trese by budjet tan & Kajo Baldisimo and SKYWORLD by mervin ignacio and ian sta. maria. Among those 3, andong agimat is the only one in tagalog. Kasi tingin ko kaya nawala yung komiks dati dahil hindi sya nag reach out internationally kaya nung nagsawa ang mga pinoy wala nang ibang nagbasa. Kaya tingin ko tama lang na naka english na yung mga gawang pilipino na komiks.

    ReplyDelete
  5. from what i remember (ateng, super baby pa ko nun noh!), yung mga naunang darna movies, scarce talaga ang appearance ni darna. kaya may mystery pa-effect ba. aabangan mo talaga! di katulad ngayon na babad na babad ang mga eksena ni darna (starting with the vilma versions). kaya posible na yung darna movie unearthed in thailand, naka-focus kay valentina. check nio mga old darna movies (kahit yung mga komiks), sympathetic ang presentation ng mga kontrabida. bini-build up talaga cila at ci darna, ekkk, parang ekstrang taga-turo lang ng leksyon sa kanila!!! kc naman kung super strong na ci darna eh di boring na cia after a while db mga sis?

    ReplyDelete