Friday, January 15, 2021

Legit

Sa pagsisimula ng taon, panibagong aklat ang ating babasahin at eto ang maswerteng napili...

Martial Law by Ambeth R. Ocampo
Una ko itong nasight sa Manila Book Fair na ginanap online last year. Hindi ko nga lang na-add to cart. Buti na lang at mayroon sa National Bookstore kaya buyla agad! It's time to feed our mind with facts from a legit historian lalo na kung tungkol sa martial law. Daming nagpapakalat na mas maganda daw ang buhay sa panahon na 'yan. KALOKA! Basa-basa din at mag-research, mga ateng. Dami nakaririmarim na ganap noon, 'noh! Kung tamad kayong magsaliksik at babad kayo sa social media, basahin niyo ang posts ni Your Daily Dose sa Twitter. Pero binabalaan ko kayo, baka 'di niyo masikmura ang mga eksena. 

At pwede ba, hindi natin utang na loob ang mga proyektong ginawa nila. Pera ba nila ang ginamit? Sabi nga sa postscript ng libro...
"Stop describing the whitewash of the Marcos dictatorship and the martial law years as "historical revisionism." Historical revision means correcting what is wrong, erroneous, or false. The pro-Marco narrative continually foisted on us, especially in social media, is nothing but barefaced lies and half-truths. This is not historical revisionism, it is historial denialism."

Thursday, January 14, 2021

Napantig

Marami sa atin ang napantig ang tenga sa sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque tungkol sa pagpili ng bakunang bibilhin ng gobyerno...

Related article on BaliTamBayan
SUPLADAAAH!!! Hindi pala pwede maging choosy ang mga Pilipino. Sa jowa nga, ang dami-dami nating qualifications. Ano 'yon, kung ano gusto nila, 'yon ang masusunod? Sinovac kasi ang preferred brand nila na gawang China at ayon sa isang late-stage trial sa Brazil, less than 60% ang efficacy rate nito. At 'wag ka, mas mahal pa 'yan kumpara sa bakuna ng Pfizer at AstraZenica.

Related article on Inquirer.net
Ewan ko ba kung bakit taeng-tae ang gobyernong ito sa China? Bukod sa POGO na makalat eh ang daming kidnappers na Chinese sa Pilipinas. Tsaka alam naman ng karamihan na basta Made in China ay substandard ang kalidad. Hello Divisoria! CHAAAR!!! 

Mga ateng, patuloy tayong mag-ingay at umalma sa kagustuhan nilang ito dahil kalusugan at pera ng bayan ang nakataya dito. Sabi nga ng makakating dila, baka may kickvac sa Sinovac. Totoo kaya?

Monday, January 11, 2021

Las OpiniĆ³nes 4.0

Image courtesy of Inquirer.net
Trending ang pagkamatay ni Christine Dacera. Nang una itong ibinalita, nagahasa daw ito at ang mga suspek diumano'y mga beki friends niya. Nabulabog ang netizens at agad-agad na nag-react at isa na ako doon. Pero bilang miyembro ng komunidad, may reservation ako agad sa anggulong rape. Kung merly ka na may kaibigang beks, I'm sure na sila ang unang-unang magpo-protekta sa iyo.

Nang mag-leak ang autopsy report, diumano'y negative sa rape at aneurysm ang lumabas na dahilan ng pagkamatay. Pero may mga tao na nasa posisyon na iginigiit ang rape kahit ongoing pa ang imbestigasyon. KALOKA! 'Di ba pwedeng antayin ang final result? Atatchi case much!

Related article on Philstar.com
Habang hot na hot ang netizens sa isyung 'yan, nag-plead ng not guilty si Jonel Nuezca, ang pulis na nakapatay sa mag-inang Gregorio. Kuhang-kuha sa video ang walang havs na pamamaril sa mismong harap ng anak niya tapos not guilty. Ano 'yooon?!?

Teka, mag-refresher course muna tayo sa mga bukas na isyu ng bayan:

  1. 15 billion PhilHealth scam
  2. Construction worker na pinatay ng pulis dahil napagkamalang holdaper
  3. Naunang bakunahan kontra COVID-19 ang PSG at mga sundalo
  4. Walang travel ban sa China para mapigilan ang pagkalat ng bagong variant ng COVID-19
  5. Patuloy na tumataas ang bilang ng COVID-19 cases
  6. Naka-quarantine pa rin tayo!

May idadagdag ba kayo?

Monday, January 4, 2021

Anak ng Macho Dancer

Sa dinami-dami ng pelikula na tinalakay o hinapyawan ang buhay ng pagiging macho dancer, wala pa ring makakatalo sa Pinoy quadrilogy ng Macho Dancer (1988), Sibak: Midnight Dancers (1994), Burlesk King (1999) at Twilight Dancers (2006). Lahat 'yan ay sinulat ni Ricky Lee.

At ngayong 2021, may nais humanay diyan, ang Anak ng Macho Dancer.

Nang ilabas ang trailer noong nakaraang buwan, medyo nayanig ang mga pantog sa kaharian dahil havs na havs sa kaseksihan. Limang kalalakihan ang gigiling para tayo ay sairin - sina Miko Pasamonte, Ricky Gumera, Charles Nathan, Mhack Morales, at si Sean De Guzman sa title role. 

Pamilyar ang ilan sa kanila dahil si Ricky Gumera ay naging pambato natin sa Mister Global 2019. Si Charles Nathan ay na-introduce sa Beki Problems bilang Ardel Presentacion. At may hindi pa ba nakakakilala kay Miko Pasamonte. Pinafresh ang fez niya huh!

Kasama rin dito ang dalawa sa original cast ng Macho Dancer, sina Alan Paule at Jaclyn Jose. Kung may 80s represent, meron din galing 90s dahil join ang nag-iisang Titilating Queen, Rosanna Roces at si Totoy Mola Jay Manalo. Wish ko lang sinama na din nila si Cherry Pie Picache bilang suki siya ng macho dancer movies. This is directed by Joel Lamangan. May role din kaya siya dito?

Marami akong questions nang malaman kong magkakaroon ulit ng ganitong klaseng pelikula. Una, uso pa ba ang macho dancer sa panahon ngayon? Paano nila gagawing relevant ang istorya ngayong digital age na? Nakatahi kaya ang kwento nito sa Macho Dancer (1988) dahil iba ang sumulat nito? Well, malalaman  natin 'yan the soonest dahil sabi sa trailer, ipapalabas na ngayong Enero.

Are you ready, mga ateng?

Saturday, January 2, 2021

Beki Problems

Nagsimula sa self-published book noong 2018 at ngayon ay isa ng online series, 'yan ang Beki Problems ni Joni Fontanos

Naalala ko pa kung gaano ako todong pinatawa ng libro nang una kong mabasa kaya isa din ako sa unang na-excite nang gawin nila itong serye. Medyo nakipagsabayan sa bugso ng BL series na sumikat ngayong pandemya pero angat ito sa iba dahil sa maraming dahilan. Una, hindi borta at BY ang bida. Hindi rin pamintaan ang labanan kaya wiz ka mababahing. At panghuli, makakarelate ka sa mga eksena at lugar na aakalain mong ikaw ang isa sa mga karakter. 

Bida dito si Chad Kinis na una nating nakilala sa Miss Q&A ng Showtime. Ka-loveteam niya si Gold Azeron at introducing naman si Ardel Presentacion. Nandito rin ang Cinemalaya Best Actress na si Ruby Ruiz at si Alex Medina bilang yummy tricycle driver. Paborito ko ang entry niya! Associate Producer din nito si Lex Bonife na siyang naghatid sa atin ng ilang acclaimed gay indie films tulad ng Ang Lalake sa Parola, Ang Lihim ni Antonio at Ang Laro ng Buhay ni Juan.

Narito ang unang episode...

Libreng mapapanood ang ikalawang episode sa heyPogi.com. At para tuluy-tuloy ang ligaya, maaaring pumili sa iba't ibang subscription plan sa abot-kayang halaga. Available din ang series sa patreon.com/heyPogi.

Labing Isa sa Dalawampu't Isa

Photo by Jude Beck on Unsplash

MANIGONG BAGONG TAON, MGA ATENG!

Isa na yata ang 2020 sa pinaka hindi malilimutang taon sa ating buhay. Marami ang naapektuhan ng pandemya - mga nawalan ng trabaho at mahal sa buhay. Pero sa tuwing tumatapat ang kamay ng orasan  alas-dose ng hatinggabi sa unang araw ng Enero, marami pa rin sa atin ang umaasa na ang bagong taon ay maghahatid ng pag-asa at panibagong simula.

Mahirap man pero subukan nating iwan ang hindi magagandang alaala sa nakaraang taon. Pagkakataon natin ito para magsimula muli. Actually, pwede naman tayo magsimula sa kahit anong araw pero iba ang hatid ng bagong taon. Kung old school ka na tulad ko, sige lang ang isulat mo ang new year's resolution mo, sa cellphone man 'yan o sa isang piraso ng papel. Ang mahalaga na may panghahawakan tayo ngayong 2021.

Bilang panimula, nais kong ibahagi sa inyo ang isang proyekto na sinimulan namin ng kaibigan ko. Ang Thirty Talks with Mel & Tsary podcast. 


It started as a secret project. Hindi kami mga propesyonal na tagapagsalita o komentarista. But we wanted to try it kaya naman nirecord namin ang aming usapan gamit ang isang app at headset ng mobile phone. The conversations are raw. Sometimes, I'm at a loss for words kasi hindi malawak ang bokabolaryo ko kaya hindi maiwasang may pause. It made me realize na writer talaga ako. Takot ako na baka masabihang trying hard pero kebs! Ang sabi nga nila, if you want it, go for it! Kaya kung may oras kayo, please listen to us on Spotify. We are now on our second season.

Personally, marami akong gustong tuparin at gawin ngayong taon. Isa na diyan ang ipagpatuloy ang pagsusulat sa kaharian natin. Ika-labing isang anibersaryo na natin kaya sana, mas marami pa tayong pag-usapan, mapa-pulitika man, pelikula, libro, musika o tungkol sa kalalakihan.

To more experiences to share and more stories to tell!

HAPPY 11th ANNIVERSARY TO US! CHEERS!