Narito ang third installment ng ating Pwesto series. Lakas maka-Lord of the Rings, de vaahhh? Gumora akiz kahapon sa Fisher Mall para mamili sa PolyEast Records kiosk.
Unang kong napansin ang papag ng CDs worth tweni to fifty peysos. OMG! It's back! Bigla kong na-miss ang yearly sale sa Universal Records building noong early to mid-2010s (Adik, Agawan).Selected foreign and OPM albums are available for an affordable price. Merong Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Christian Bautista, Jessa Zaragoza, Parokya ni Edgar, Pops Fernandez, Karylle, Jonalyn Viray, Martin Nievera, Gary Valenciano at kumpleto yata ang discography dito ni Jose Mari Chan.Aside from CDs, makakabili din dito ng vinyl records worth ₱1,900. Very nostalgic itong cover ng Retro album ni Regine at Maligayang Pasko ni Joey Albert. Sana magkaroon pa ng CD version.At dahil BER months na, maraming Christmas albums na pagpipilian, mapa-Tagalog man o English 'yan. Personal fave ko ang Pamasko ng mga Bituin, Salubungin ang Pasko at My First Christmas Album ni Kuh Ledesma. Very nostalgic kapag pinatutugtog!PolyEast Records kiosk is located at the ground floor of Fisher Mall, QC, in front of McDonald's. Kung nasa malayo kang lugar, don't worry dahil may Lazada store sila.
Patuloy nating suportahan ang mga nalalabing record stores sa Pinas para patuloy silang gumawa at magbenta ng makokolekta natin.
Nice post thank you Trenton
ReplyDelete