Bilang physical media collector, ang hirap na makahanap ng tindahan na nagbebenta ng CDs at DVDs sa Pilipinas. Matagal nang wala ang OG Astroplus, Odyssey, Astrovision, Radio City, Video City at SM Record Bar. Although maraming online seller, mas masarap pa rin makita ng personal ang item bago bilhin. Makakapamili at makikilatis nang maigi lalo na sa maaarte tulad ko. Ganda ko kasi eh. CHAR!
Sa ngayon, tatlong shop ang madalas kong puntahan kapag kinakati akong mamili - ang PolyEast Records kiosk sa Fishermall, ang stall ni Mang Greg sa Cartimar, Recto na nai-blog na natin dito, at ang CDs Atbp. na nakapwesto sa may Libertad, Pasay.
Taong 2017 nang una akong bumili dito ng live album ni Faith Cuneta sa halagang 150 pesos. Simula noon, nagsunud-sunod na ang pamimili ko. Bukod sa CDs at DVDs, meron din ditong Blu-ray discs, vinyl at cassette tape. From foreign to local, wide range ang pagpipilian. Kung suswertihin, makakatsamba ka ng rare item. May mga merch din at magazines na pwedeng mabili. Isa pang maganda dito ay hindi ka mamumulubi sa presyo. May iba kasing seller na akala yata eh ginto ang tinda nila. KALOKA!
Si Drake Gonzales ang may-ari ng shop na dating nakapag-trabaho sa record bars kaya pamilyar siya sa mga hilig ng customers. Super bait at approachable pa! Hindi rin problema ang malalayong customers dahil pwede niyang i-ship ang orders.
CDs Atbp. is located at 2F Welcome Plaza Mall in Libertad, Pasay. It's between Paddock's and Healing Galing. You can check the items available through their official Facebook page.
No comments:
Post a Comment