Sunday, February 22, 2026

Versatile

Noong late '90s, isa na siguro si Klaudia Koronel sa pinakamatunog na pangalan pagdating sa paggawa ng Titillating Films. Bumida siya sa mga pelikula ng Seiko Films tulad ng Linggo Lang Ang Pahinga, Pisil, Kesong Puti, at Anakan Mo Ako. Versatile ang lola niyo dahil pwedeng bida o kontrabida, mayaman o mahirap, at straight man o lesbiyana.

Mas lumawak ang filmography niya nang magkaroon ng projects sa film productions ni Mother Lily, ang Regal Films at Good Harvest Unlimited. Mas nahasa ang kanyang acting skills sa Gamu-gamong Dagat, Dugo ng Birhen, at Babaeng Putik. Pero alam niyo ba na nakagawa din siya ng de-kalibreng pelikula sa tatlo na pinakamagagaling na direktor ngayon - Tuhog ni Jeffrey Jeturian, ang kontrobersyal na Live Show ni Jose Javier Reyes, at Hubad sa Ilalim ng Buwan ni Lav Diaz. Yes ma'am, the director of Magellan starring Gael Garcia Bernal. BONGGA!

Heto at may nakalkal tayong artikulo tungkol sa kanya sa The National Library. ENJOY!

(click the image to enlarge)
KK Reborn!
People's Tonight
July 27, 1999

No comments:

Post a Comment