Bago sumapit ang Pasko at ang Metro Manila Film Festival, inaanyayahan ko kayong manood ng award-winning movie na
Maestra. Ito ay sa panulat ni
Archie Del Mundo at direksyon ni
Lemuel Lorca. Nagkaroon ako ng pagkakataon na mapanood ito kahapon sa
UP Cine Adarna.
Maestra (2017)
Spotlight Artist Center/Dr. Carl Balita Production
Directed by Lem Lorca
Written by Archie Del Mundo
Starring Angeli Bayani, Anna Luna and Ms. Gloria Sevilla
Umikot ang istorya sa tatlong guro ng iba't ibang henerasyon - si
Iah (Luna) na bagong graduate at nagnanais makapasa sa
Licensure Examination for Teachers o
LET, si
Gennie (Bayani)
na kahit ilang beses nang bumagsak, patuloy pa rin nagsusumikap para makamit ang lisensya, at si
Espie (Sevilla) na hindi balakid ang edad para patuloy na makapagturo sa bagong henerasyon.
Kakaiba ang istorya ng Maestra sa lahat ng indie films na napanood ko. Walang hubaran, sampalan, sabunutan at suguran na karaniwang mga eksena sa pelikula. Wala ring masyadong scoring at distracting na theme song. Natural ang dating.
|
Angeli Bayani deserves an award for her role |
Ang Maestra ay tungkol sa buhay ng mga guro at sa kanilang debosyon sa piniling propesyon. Ipinakita dito ang mga pagsubok na kanilang hinarap at patuloy na hinaharap sa araw-araw. I was particularly touched sa eksena kung saan ilang oras ang todong binubuno ni ma'am makarating lang sa paaralan. Kinakausap pa niya ang magulang ng mga estudyanteng hindi na nagsipasok. Hanggang diyan na lang as I don't want to spoil the rest of the story.
|
With Archie Del Mundo |
Madalang magkaroon ng pelikula na guro ang sentro ng istorya. The last that I can remember is
Mila by
Maricel Soriano pero tungkol pa 'yan sa personal niyang buhay.
Habang tumatakbo ang istorya, hindi niyo mapipigilang makaalala ng isang guro na dumaan sa buhay niyo. You will appreciate them more than ever.
Maestra will have a limited commercial run on the following
SM Cinemas on
December 8 and
9:
- SM Megamall
- SM Mall of Asia
- SM North EDSA
- SM Fairview
- SM Manila
- SM Sta. Mesa
- SM Southmall
- SM Bacoor
Humakot na ito ng international awards at recognition sa Amerika, Australia at Venezuela kaya worthy talaga panoorin. Don't miss this opportunity, mga ateng!
No comments:
Post a Comment