Thursday, June 13, 2013

Twinkerbells

Tuesday, May 7, 2013
12:41 PM

Halooo Bb. Melanie!

Nalurkey ako nung nakita ko yung post mo nung March 19 na "Balikbayan Package 2.0" kasi tumambad agad sa paningin kez ang pumi-peek-a-boo na Chika Chika picture ni fafah Juancho Mortel! Hindi kez nakeri atey! Kung knowsline mo lang kung gaano katagal ko nang pinagnanasaan ang hombreng iyan simula pa nung teenager akiz 48 billion years ago! Kung gaano ko ka-bet ang kabalbunan at ka-daddyhan ni Roy Rodrigo, ganun ko rin ikina-water-water ang kakinisan at pagka-twinkerbells ni Juancho Mortel! Kung mayroon kang mahahalukay sa iyong Balikbayan Package 2.0 na mga pictures ni Juancho at Roy o ni Rodel Velayo at Leonardo Litton eh pa-request naman sana ng upload dyan teh! Sana'y pagbigyan mo muli ang kahilingan ng matanders na becky na itey. More power sayiz mudrakels!

Nagmamahal, nagmamaganda at nagmamasarap rin,

Myles

***

Haller 'teh Myles!

Nakakaloka ang dami ng tandang padamdam mo sa iyong liham. Aliw na aliw akez habang binabasa ang iyong kahilingan. Ramdam ko ang iyong todong pagka-uhaw sa kakisigan ni Juancho Mortel kaya naman kinalkal ko ang Balikbayan Package at naghagilap ng masasarap na kuha niya kasama ng iba pa sa iyong nabanggit...

Tuesday, June 11, 2013

Risky

Tom Rodriguez, Carla Abellana and Dennis Trillo
Main cast of My Husband's Lover
Unang gabi kanina ng pinakamapangahas na serye sa primetime, ang My Husband's Lover. Hindi magkamayaw ang mga netizens lalo na ang mga beks sa kakaibang putahe ng Kapuso Network. Very risky ito dahil todong sensitibo ang tema. Mabuti na lang at magagaling na bida ang kinuha nila, Carla Abellana, Tom Rodriguez at Dennis Trillo. Akala ko noong una si Dennis ang Husband at si Tom ang lover, baliktad pala.

Victor Basa, Pancho Magno and Kevin Santos
Supporting cast of My Husband's Lover
I was able to see the last portion of the soap, 'yung pagtatakwil ni Glydel Mercado kay Carla at ang bonggang kasalan sa simbahan. Habang pica-pica ang newly weds, nagpakita bigla si Victor Basa at natuliro si Tom. Gora sila sa gilid ng church at akmang maghahalikan. KALOKA! Tapos biglang natapos at itutuloy na kinabukasan. Magkakaroon kaya ng intense sweet moments ang mga badaf sa serye? O baka harangin ng mga 'kontrabida'? ABANGAN.

Saturday, June 8, 2013

Adik

From The Fort to Salcedo Village, gumora ako sa West Triangle kahapon para sa sale ng Universal Records. Buti na lang at nakita ko ang bonggang announcement nila sa FB. Todong inaantay 'to ng mga tulad kong adik sa pagkokolekta ng CD at DVD. Kaya hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon na makikalkal muli.

Oh de vaaahhh?! Kahit veinte pesos mo, makakabili na nang plaka. Pili ka lang sa wide selection nila. Nahilo nga ako sa kakatingin at kakaikot. Gusto kong kunin lahat eh! Pero siyempre, nangibabaw ang pagiging Lumen ko.

Mas madami ang items nila ngayon at mas malaki ang space kumpara noong 2011 kaya kumportableng magpabalik-balik para pumili. Eto ang mga nabili ko...

Makakahabol pa kayo kung gusto niyo dahil hanggang next week pa ang sale nila: June 8, 9, 14, 15 at 16 from 10AM to 7PM. Go lang sa 10/F Universal Tower, 1487 Quezon Avenue, QC.

Wednesday, June 5, 2013

Appeal

Ariel Abracero
Courtesy of Michael Franks Photography
Dahil Hunyo na at unti-unti nang pumapatak ang ulan, dapat lang na tayo ay mabasa. Well, naunahan na tayo ng panti ko dahil tumagas na sa Those Days ang wetness na dala ni fafah Ariel Abracero. Simula nung siya'y aking makita, hindi na siya nawaglit kahit sandali sa aking malinis na kaisipan. Parang siya na yata ang itinadha ng kapalaran sa akin. Kung bakit ba naman kasi ang kyuuut niya. Anlakas talaga ng appeal ng mga tsinito. May isa pang ma-appeal sa kanya pero kayo na ang bahalang maghagilap sa mga susunod na larawan kung ano 'yun...


WHEW! Nabilaukan yata atashi! Oh, nasightsikels niyo ba? Ako, parang tatawag na ng ambulansya. Hindi kineri ng cork ang tagas ko. Patahi ko muna ang siwang ni liwayway 

Tuesday, June 4, 2013

Pruweba

Nakakaloka ang todong pagsabog na nangyari sa Two Serenda noh?! To think na napakashala ng lugar kung saan nakatayo ang condo na 'yan at Ayala pa ang may ari. Pangarap ko pa namang magkaroon ng unit diyan tapos bigla na lang mababalita na sumabog itey. Tatlo pa ang nateggie. Sumalangit nawa.

Ayon sa bonggang investigayshon, wala daw pruweba na binomba ang lugar. Baka daw gas leak sabi ng tsismosang palaka. Wow! Parang Glorietta 2 lang ang peg. Sa pagkakatanda ko, septic tank yata na puro chemical gas ang sumabog sa mall na nabanggit. Marami din ang namatay at nasugatan diyaan.

Kung wititit bomba, ano ang dahilan at nagiba halos ang pader nung unit? Watusi? Pla-pla? o Goodbye Pilipins? Ay! Ayoko na makialam at baka hagisan na lang ako bigla ng Goodbye Bading. Scared me.

Monday, June 3, 2013

Unang Araw

Kami ng mga kaklase ko noong 4th year high school
Kaka-miss maglinis ng upuan, magpaypay dahil mainit, mag-antay ng teacher, magsulat ng class schedule para sa buong taon, bumili ng makakain sa canteen, magkwentuhan tungkol sa bakasyon, pumilas ng unang papel sa pad paper, isulat ang bagong ballpen at umuwi kasama ng mga kaeskwela.

Sunday, June 2, 2013

Iniluklok

Hari ng Pilipinas 2013 winners
Sila ang mga iniluklok sa trono sa nakalipas na Hari ng Pilipinas 2013. First name basis tayo mga ateng kasi wit ko knowsline ang last name nila. Si Archie ang grand winner followed by Neil bilang Hari ng Luzon. Si Ardee ang Hari ng Visayas at si baby Ariel ang Hari ng Mindanao. Paris talaga ang pangalan ng nanalong Hari ng Turismo. Lakas maka-Paris Hilton!

Ang dyosang si Aly
Nandun ako kagabi sa Insomnia Bar together with my gorgeous friend Aly pero waley akong nakuhang picas. Medyo madilim ang venue. Witchells keri ng point and shoot camera ko ang palabas kaya 'di na ako nag-effort. Host si Inday Garutay at dalawa pa na hindi ko na maalala ang namesung. 9PM ang sabi pero 11PM na sila nagsimula. Unang parte ang National Costume. Pabonggahan at pabigatan ng props pero naka-bikini. Tapos next 'yung swimwear. Special awards ang next. Nanalo si fafah Ariel. Tapos may special performance from Chemicals na bago daw boyband. Barong Tagalog presentation then top 12. Bandang Q&A portion ko na talaga hindi kineri ang todong boredom na aking naramdaman kaya lumayas na kami. Lumaps sa McDo saka inaliw ang sarili sa libreng wi-fi hanggang ma-lowbatt. Sa FB ko na nalaman kung sino ang mga kinoronahan. KUNGRACHULEYSHONS!