Friday, April 3, 2015

Ang Panalangin

Nasa kalagitnaan na tayo ng Holy Week at kumusta naman kayo? Ako, katatapos lang mag-Visita Iglesia kaninang umaga hanggang nitong tanghali. Kasama ko si super friend Chari at mga simbahan sa Quezon City ang aming binisita. Last year ay sa Maynila ako nag-ikot kung saan magkakalapit lang ang bawat simbahan. 

Chari said if it's your first time to visit a certain church, make a wish. Kung sa 11:11 at falling star ay naniniwala ako, bakit hindi dito sa sinabi ng kaibigan ko? Hopefully hindi naloka si God sa dami ng panalangin ko. I know His plans will prevail so whatever happens, I'll accept it with all my heart. ♥

Heto ang istorya ni Mary at kung paano dininig ng Panginoon ang kanyang panalangin...

Ang Panalangin
Pilipino Komiks
Agosto 15, 1997
Taon 50 Blg. 2279
Atlas Publishing Co., Inc.

Thursday, April 2, 2015

Paint My Heart Red

Ang pagpapatuloy ng ating Holy Week Special...

Paint My Heart Red
Silahis Komiks
Enero 26, 1997
Taon 1 Blg. 10
Graphic Arts Services Inc.

Tuesday, March 31, 2015

Pinoy Hairraisers

Kapag Semana Santa, madalas na palabas sa TV ang mga lumang pelikulang Pilipino. Kaya ang special menu natin this Holy Week ay mga lumang komiks strip mula sa antigo kong koleksyon. Wholesome muna tayo this time. Saka na muna ang naughty at funny. 

One of my favorite komiks ang Pinoy Klasiks. May aksyon, drama, comedy at horror. Isa sa inaabangan ko sa bawat labas ang tapusang kwento ng Pinoy Hairraisers. Ang ate ko kasi mahilig sa nakakatakot kaya nahilig na rin ako kahit bata pa. 

Eto ang isang istorya na inilathala at nabasa noong taong 1997...

Pinoy Hairraisers: Ang Bangkay
Pinoy Klasiks
Mayo 29, 1997
Taon 34 Blg. 1952
Graphic Arts Services Inc.

Monday, March 30, 2015

Sa Divisoria, Quiapo at Galleria

Last March 20th ay naimbitahan ang byuti ko to watch the second day of Manila Fashion Festival held in Green Sun Hotel in Makati. I was invited by Kylie Griego - a supporter of our blog, future fab designer at intern ng sikat na fashion designer na si Veejay Floresca. Nahiya akong hindi pumunta dahil inimbita niya rin ako sa graduation niya pero wit ako nakadalo. Sakto naman na waley pasok sa work kaya napa-oo na rin akez.

Dahil fashion show, kelangan kabogera ang #OOTN katulad noong umattend ako sa Philippine Fashion Week year 2012. 'Di kailangan gumastos ng mahal para magmukhang mamahalin, 'yan ang motto ng mga baklang wais. Browse ako sa internet ng design at pinakita kay mudra. Kaya niyang tahiin ang napili ko kaya gora agad sa Divisoria para mamili ng tela. Kung may formal event na pupuntahan, safe palagi ang kulay itim. Nakabili ako ng 2 1/2 yards na tela sa halagang 187.50php. Kailangan ng accesories kaya rampa sa Isetann Carriedo at bumili ng handbag for 249php. Ilang lakad lang at sa Villalobos Street naman ako nakakita ng perfect bangles for 50php at dangling earrings for 25php. Siyempre, dapat pak na pak din ang high heels. The Platform sa Robinsons Galleria ang perfect place to find the most affordable heels in the metro. Clearance outlet yata ito ng People are People. Maniwala man kayo o hindi, sa halagang isang daan ay may nabili ako. Bagong bago pa!

Isa na lang ang problema, ang hair and make up. Tumingin tingin ako sa mga parlor at kulang isang libo ang presyo. KALOKA! Hiyang hiya man ako eh nag-PM ako sa isa sa pinaka in demand na make up artist, si ateh Orlan Lopez of Emphasis Salon. To make the long story short, nagkawang gawa siya para ako'y pagandahin. Salamat talaga 'teh Orlan!

The stage, my legs and Ronnie

Ang pogi nilang dalawa!

Pagdating ko sa venue, nalula ako sa gara ng event. Daming sosyalera like Divine Lee, Tim Yap, Rajo Laurel, Charmaine Palermo, Ruffa and Raymond G. and many more. Parang gusto ko nang umuwi kaya bago pa magbago ang isip ko, nagpasundo na muna ako kay Kylie. Buti na lang at bumaba siya from the 4th floor para magyosi. That was the first time we met after a few years of being Facebook friends. Nakilala ko din ang friend niyang si Ronnie na isa ring designer.

Veejay Floresca Fall/Winter collection '15

Nakapalibot ang audience sa square na stage. Bongga ang effects sa background at na-highlight nang husto ang mga designs dahil sa perfect combination of lights. Wala pang isang oras ang itinagal ng show. May bukas pa daw. CHOS! Larga kami agad paalis ng event para mag-bonding sa bilyaran in Makati. Chika-chika nang konti bago ako nagpaalam. May josok kasi kinabukasan. 

with Kylie

At dahil feelingerang celebrity ako, I wanna say thank you to La Mudra for making the panalong cape dress na hindi namin halos malaman kung paano ikakabit ang kapa. To ateh Orlan for making me beautiful. Never kong na-imagine na madadantayan ng mamahaling mukap ang fes ko ahahaha! And to Kylie for inviting me. Next time, mga gawa mo na ang mapapanood kong irarampa on stage. I can't wait for that moment.

Saturday, March 28, 2015

Baguio (final part)

March 8: Tight na ulit ang pores pagkagising kinaumagahan. Wala na rin ang 20 kilos na eyebags. Parang galing sa frigider ang tubig nang maghilamos ako. Kung walang heater sa banyo, malamang walang maliligo sa amin pwera na lang kung kaya naming i-accept ang mala-ice bucket challenge na lamig ng tubig.

Last day na namin and we need to seize the moment. After our breakfast sa Session Road, nagsimba kami sa Our Lady of Atonement Church o mas kilala bilang Baguio Cathedral. Box-office sa dami ng tao. Maliit lang 'to compare sa Manila Cathedral pero ang gara sa loob.

Friday, March 27, 2015

Baguio (part 1)

Last month, during the birthday party of Ateh Paul and Chelie, my friends and I decided to visit Baguio. Tagal na rin since our last trip sa Cebu and Bohol at bilang summer naman, why not visit the Summer Capital of the Philippines. Before, pinagbawalan ako ng doktor na pumunta dito because of my lung condition but praise God nawala na 'yon, so Baguio... here we come!

Attendance muna tayo - present sina Gladys, Ateh Paul, Tracy & her BF and Lance & his better half. Absent sina Xheng, Chelie at Chari.

March 6: Victory Liner sa Cubao dapat ang sasakyan namin pero todong punuan kaya sa Solid North Transit kami sumakay pa Dagupan (350php). From there, sumakay kami ng ordinary bus pa-Baguio (100php). 11:30 kami nakasakay, mga 8 AM na kami nakarating. Ang lamig pala talaga pero hindi naman nginig levels. Ang sarap sa baga ng hangin. Agad-agad akong na-inlove sa place! Last weekend ng Panagbenga Festival kaya ang daming tao.

Monday, March 23, 2015

Tuwad

Ilang araw ko nang pinakikinggan sa Spotify 'tong My Neck, My Back (Lick It) ni Khia. Tuwad kung tuwad si ateh sa artwork oh! Siguro kasi "dry season" ako ngayon kaya gusto ko ng mga ganitong kanta. Nakaka-inspire ahahaha!

Nung college ko 'to unang narinig at siyempre nabastusan ako. Dalisay at malinis pa kasi ako nun. Well, ganyan pa rin naman ako hanggang ngayon. Sana maniwala kayo. CHAR! Mabalik tayo sa kasalukuyan. Sinearch ko sa YouTube ang music video at first time kong napanood. Watch niyo...


Medyo nadismaya ako kasi ang wholesome, 'di bagay sa kanta. I was expecting na mala-porn ang quality kaya lang house party ang tema. Maka-lumang We Can't Stop ni Miley Cyrus ang dating but I like the paggiling ni Khia. Habang sinusulat ko 'to eh ginagaya ko nga siya. Wala naman nakakakita kaya kebs lang ahahaha!