Saturday, March 28, 2015

Baguio (final part)

March 8: Tight na ulit ang pores pagkagising kinaumagahan. Wala na rin ang 20 kilos na eyebags. Parang galing sa frigider ang tubig nang maghilamos ako. Kung walang heater sa banyo, malamang walang maliligo sa amin pwera na lang kung kaya naming i-accept ang mala-ice bucket challenge na lamig ng tubig.

Last day na namin and we need to seize the moment. After our breakfast sa Session Road, nagsimba kami sa Our Lady of Atonement Church o mas kilala bilang Baguio Cathedral. Box-office sa dami ng tao. Maliit lang 'to compare sa Manila Cathedral pero ang gara sa loob.

Bago gumala, bumili muna kami ng ticket pauwi. Kami ni Gladys eh kailangan makauwi kinabukasan dahil may pasok nang maaga. Sakto at may dalawang bakante para sa 7PM na biyahe. Sina Ateh Paul and the rest ay 11PM ang kinuha.

Kung ano ang init sa Maynila sa tanghali, ganun din sa Baguio. We wanted to pick some berries sa Strawberry Farm kaya lang todo init talaga kaya nag-nature tripping na lang kami sa Tam-Awan Village (50php). Kung arts and nature ang hilig mo, this is the perfect place for you!

Sumaglit kami nina Lance at Ateh Paul sa Grotto para mag-alay ng bulaklak at magtirik ng kandila pasasalamat sa lahat ng biyaya. Ang taas ng hagdan! After ng ten thousand years, narating din naman sa wakas ang tuktok. May bagong gawang kapilya sa kaliwa na napakasimple pero elegante ang pagkakagawa.

Gutom na ang mga bulate namin at bago makauwi, betchikels naming lasapin ang isa sa pinakasikat na restaurant sa Baguio. Rekomendado ni Tracy ang Cafe by the Ruins.

Parang bahay na ginawang restaurant ang interior. De unipormado ang mga waiter at mga puno ang nagsisilbing panangga sa sikat ng araw. Presyong pangmayaman ditey. Naloka akiz pero sige na, minsan lang 'to. Order ako ng Tita Susie's Crispy Tapa. Pagdating ng order, naloka ako sa ginawa sa tapa. Hinimay-himay at malutong. Hhhmmm... masarap naman!

Matatapos na ang huling araw namin sa Baguio. At bago magpaalam, dapat lang na dagdagan ang mga pasalubong kaya last stop namin ang palengke. More buy ng keychains, bracelets at Baguio delicacies. Murang mura ang mga paninda kaya sa maliit na halaga, marami ka nang mabibili.

Well, it's time to say goodbye na. Bago mag-7 PM ay umalis na kami sa transient home. Madilim at napakalamig na sa labas.

Dahil malapit lang naman ito sa Maynila at isang sakay lang, I'm sure this will not be the last time that I'll visit Baguio.

Wakas.

3 comments:

  1. Naguluhan ako sa tapa at first sight huh. Pero tingin ko masarap naman. Baguio ang kabilang sa Top 5 na uunahin kong puntahan 'pag nagkapera na 'ko on my own.

    ReplyDelete
  2. dapat ateng may nameet o pinitsuran ka rin na igorot , cute kaya ng mga igorot. nagpunta din sana kayong SM baguio hahahahahaha

    ReplyDelete
  3. -Teh AnonymousBeki, pag-igihan mo lang at for sure, hindi lang Baguio ang mararating mo :)

    -Teh Anonymous 1, parang hindi igorot 'yung nakita namin eh. Tsaka nakabahag, baka kung ano ang magawa ko ahahaha!

    ReplyDelete