Dahil fashion show, kelangan kabogera ang #OOTN katulad noong umattend ako sa Philippine Fashion Week year 2012. 'Di kailangan gumastos ng mahal para magmukhang mamahalin, 'yan ang motto ng mga baklang wais. Browse ako sa internet ng design at pinakita kay mudra. Kaya niyang tahiin ang napili ko kaya gora agad sa Divisoria para mamili ng tela. Kung may formal event na pupuntahan, safe palagi ang kulay itim. Nakabili ako ng 2 1/2 yards na tela sa halagang 187.50php. Kailangan ng accesories kaya rampa sa Isetann Carriedo at bumili ng handbag for 249php. Ilang lakad lang at sa Villalobos Street naman ako nakakita ng perfect bangles for 50php at dangling earrings for 25php. Siyempre, dapat pak na pak din ang high heels. The Platform sa Robinsons Galleria ang perfect place to find the most affordable heels in the metro. Clearance outlet yata ito ng People are People. Maniwala man kayo o hindi, sa halagang isang daan ay may nabili ako. Bagong bago pa!
Isa na lang ang problema, ang hair and make up. Tumingin tingin ako sa mga parlor at kulang isang libo ang presyo. KALOKA! Hiyang hiya man ako eh nag-PM ako sa isa sa pinaka in demand na make up artist, si ateh Orlan Lopez of Emphasis Salon. To make the long story short, nagkawang gawa siya para ako'y pagandahin. Salamat talaga 'teh Orlan!
The stage, my legs and Ronnie
Ang pogi nilang dalawa!
Pagdating ko sa venue, nalula ako sa gara ng event. Daming sosyalera like Divine Lee, Tim Yap, Rajo Laurel, Charmaine Palermo, Ruffa and Raymond G. and many more. Parang gusto ko nang umuwi kaya bago pa magbago ang isip ko, nagpasundo na muna ako kay Kylie. Buti na lang at bumaba siya from the 4th floor para magyosi. That was the first time we met after a few years of being Facebook friends. Nakilala ko din ang friend niyang si Ronnie na isa ring designer.
Veejay Floresca Fall/Winter collection '15
Photos from Manila Fashion Festival
Nakapalibot ang audience sa square na stage. Bongga ang effects sa background at na-highlight nang husto ang mga designs dahil sa perfect combination of lights. Wala pang isang oras ang itinagal ng show. May bukas pa daw. CHOS! Larga kami agad paalis ng event para mag-bonding sa bilyaran in Makati. Chika-chika nang konti bago ako nagpaalam. May josok kasi kinabukasan.
with Kylie
Ikaw na ang Reyna ng Look For Less!
ReplyDeleteteh sana next time post mo rin mga nabili mong accessories at mga damit at shoes mo.
ReplyDeleteNice , Fashion Princess ka na he he ... sa lahat 'yan ang di ko keri : (
ReplyDeletebet ko nga yung mhin sa left ... twink : )
Fashown! Ano pong size ng paa nyo teh? (Or, anong size ng women's shoes ang binibili ninyo?)
ReplyDeleteSi Patrick Yu yung model na twink. :D
ReplyDelete-Kylie
Ingferness Bb.Melanie ang ganda mo ha.... kulang na lang Korona para maging Miss International Fashion ka na....
ReplyDelete