Friday, November 4, 2011

Husay

Kanina, bago ako umalis ng balur para kumayod ay napanood ko ang pelikulang Ispirikitik, Walastik Kung Pumitik starring Redford White, Bonel Balingit, Carding Castro at Serena Dalrymple. Tawa ako ng tawa sa mga linya at comedy stunts ng pelikula. Nakakamiss ang mga ganitong feel-good movie ng late 90's.

Isa sa mga supporting cast ng pelikula si Bernardo Bernardo na mas sumikat sa papel niya bilang Steve Carpio sa hit comedy sitcom na Home Along Da Riles. Siya ang numero unong kontrabida sa buhay ng ni Kevin Cosme. Siya ang bonggang assistant ni Cita Astals sa sitcom at kapag imberna siya dito, lagi niyang sinasabihan ito ng "ang babaeng walang balakang"

Matagal na siyang hindi nakikita sa TV o pelikula kaya naman hinanap ko ang kanyang byuti sa malawak na mundo ng Internet at natuklasan kong nasa US of A na pala siya. Doon na namirmihan at todong aktibo sa iba't ibang aktibidades tulad ng pagiging stage actor, interpreter, board member at marami pang iba (read his profile here).

Ang tipo ng akting niya ang isa sa mga hinahangaan ko. Kahit na madalas eh bekla ang kanyang role, never nabastos ang lahi natin sa paraan ng kanyang pag-arte. Inangat niya tayo sa husay niya sa pagganap.

2 comments:

Anonymous said...

kakatwa tong si bernardo teh, isa pa si ate gay.

danny cinco said...

Agree ako dyan ! Magaling talaga si Bernardo Bernardo !

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...