Saturday, November 19, 2011

90's Sexy Stars

Dahil weekend na naman, todong magbalik tanaw tayo ulit sa nakaraan. Mga mid to late 90's kung saan sumibol ng husto ang industriya sa paggawa ng titilating films. Panahon kung saan nagpapalabas pa ng skin flicks ang SM Cinemas.

During that time, Rosanna Roces was hailed as the TF Queen and Priscilla Almeda was the TF Princess, thanks to Seiko Films. Pero may iba pang movie producers noon na sumugal para yanigin ang kamalayan ng kalalakihan.

Ini-launch ng FLT Films si Izza Ignacio noong 1996 sa pelikulang Kara, Kaakit-akit. Kasama niya sa pelikula sina Raymond Bagatsing at Emilio Garcia. Tagumpay ang showing nito kaya nasundan pa ng ilan tulad ng Dalaga na si Sabel at Sa Iyo Ang Itaas, Akin Ang Ibaba.

Naging household name siya ng mas makilala bilang Elena sa comedy sitcom na Kaya ni Mister, Kaya ni Misis. Nakakatawa ang kanyang karakter bilang aanga-anga at kikay na taga-asikaso ng order ng mga customers sa karinderya ni Nova Villa.

Kung padamihan lang ng sexy movies ang pag-uusapan, hindi papatalo diyan si Rita Magdalena. Wala pa ako sa hustong gulang noon pero dahil likas na usyosera na ako't mahilig magbasa, lagi kong nakikita ang mga movie posters niya sa tabloid na idine-deliver sa aming balur tuwing umaga. Every week eh may bago siyang pelikula at isa sa mga iyon ang Thalia, kung saan gumanap siya bilang multo.


Nauso din noon ang female counterpart ng mga pangalan ng kilalang action stars. Ramon Revilla is to Ramona Rivilla, Ian Veneracion is to Ynez Veneracion and Keanu Reeves is to Keanna Reeves.

Recently lang ay laman ng balita si Ramona Rivilla dahil kapangalan niya ang isa sa mga itinuturong suspek sa krimen na nangyari sa pamilya Revilla. Kakakasal pa lamang niya sa kanyang afam na jowa. According to her interview, kung hindi namatay si Ramgen ay aattend sana ito ng kanyang bonggang wedding.

Very active pa rin sa industriya ng showbiz ang byuti ni Ynez Veneracion. Madalas siyang lumabas sa mga soap opera ng Kapuso Network. Currently, mapapanood siya sa primetime drama na Mga Munting Heredera bilang isang kontrabida.

Sa lahat ng nabanggit, si Keanna Reeves ang pinakabago sa kanila. Early 2000's ng pumasok siya sa showbiz. Naging kontrobersyal siya ng aminin niya kay Titoh Boy Abunda na nagtrabaho siya bilang escort. Deny to death din siya sa kanyang true age na kinalaunan ay naging sentro na lamang ng biruan. Siya ang kauna-unahang nagwagi sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition at salamat sa kanya, nakapagladlad ang ate nating si Rustom Padilla AKA Bebe Gandanghari. Sa ngayon, siya ay mapapakinggan sa radio program na Patol sa 92.3 News FM kasama sina Pilar Mateo at Arnell Ignacio tuwing 2:30 ng umaga mula Martes hanggang Sabado.

*Special thanks to Cinemarathon and Classic Tagalog Movies for the rare movie posters.

3 comments:

  1. Speaking of RITA AVILA ang katapat nya sa S.T. films b4 ay si REYNA REYES. Silang dalawa ang nagaagawan kay CESAR MONTANO sa MACHETE 1.

    Thanks to CINEMA 1 napapanood ko ang mga lumang 90's ST movies pagkagat ng alas dose ng Gabi.

    ReplyDelete
  2. Early 90's naman ng mauso ang ST Films. Bukod sa dalawa mong nabanggit teh Anonymous eh bida rin noon sina Cristina Gonzales at Gretchen Barretto.

    ReplyDelete
  3. Para sa akin the best si GRETCHEN BARETTO ka tandem si JESTONI ALARCON !!!!!!!!!! nakatago pa hangang ngyn yung center fold ng remate sa ilalim ng kama ko

    ReplyDelete