Tuesday, November 15, 2011

Anti-Epal Bill

PAK na PAK ang inihaing Anti-Epal Bill (Senate Bill No. 1967) ni Sen. Miriam Santiago para sa mga pulitikong walang hiya kung ibandera ang kanilang pagmumukha at pangalan sa mga proyektong pondo ng bayan ang ginamit. Ang dami na kasing public officials na ganyan. Sa kalsada nga lang malapit sa tinitirhan ko, kabi-kabila ang mga waiting sheds na nakalagay puros pangalan ng konsehala, kongresista o barangay captain in BOLD CAPITAL LETTERS. 'Yung tipong malayo ka pa lang eh nababasa mo na. Ganun kashupal ang kanilang fes!

Isa pang halimbawa ang mga banners na nagsisipag-sulputan sa mga poste ng kuryente kapag may special occasion o holiday tulad ng "Happy Fiesta", "Congratulations to the New Graduates", "Merry Christmas" atbp. Susundan ito ng mga katagang "Greetings coming from Cong. Kukurikapu Burnik & Family" sabay may picture ng buong pamilya. Kalerki de vaaahhh?! Pagdating ng election season, buong angkan pala ang tatakbo. Tama ba?

Napapanahon na ang ganitong batas para mabawasan ang mga pulpulitiko. Ipasa na agad kung kinakailangan para numipis naman ang pagmumukha nila. Magsisilbi itong malamig na tubig na ibubuhos sa kanilang fes para sila'y magising at mahimasmasan.

Basahin ang buong panukalang batas dito.

1 comment:

  1. As de Quiros has said, we shouldn't stop at the anti-EPAL bill.
    WE should have an anti-KAPAL bill!

    ReplyDelete