Tuesday, November 29, 2011

Inakala

Matapos ang ilang araw na pagmumuni-muni, inakala kong magtatagal ang aking naramdamang kadiliman. Salamat sa payo niyo mga 'teh at lumiwanag ang kalangitan. Nakatulong din ang paglabas ko kasama ang aking mga kaibigan. Hinarap ko na rin ang isang bagay na kinatatakutan ko. Kung ano man ang resulta, pabor man sa akin o hindi, tuloy pa rin ang buhay.

Pero sinubok muli ang katatagan ko noong linggo. Prenteng nakaupo lamang ako at pinapanood siya mula sa malayo. Inakala kong matibay na ulit ako ngunit hindi pa pala. Naging marupok ako sa ilang mga eksena na nakaganito lang siya...

Naramdaman ko ang mainit na likidong sasambulat sana sa fake fake pero pinigilan ko at baka magtaka ang mga tao kung bakit baha sa loob ng sinehan. CHAR!

Lintek na Bella 'yan! Wala na siyang ibang ginawa kundi ang lumandi. Woman on top pa siya. AMP!

5 comments:

  1. Good to hear that you're doing better.
    We have the right to be down to, dear.

    (feeling close lang.)

    ReplyDelete
  2. bb melanie!!! This is Jonathan Orbuda the CEO of

    http://cutepinoy.socialparody.com/main

    kung ok lang sana magamit nyo po ang chatroom namin sa site nyo po..

    ReplyDelete
  3. te, this is cool! i'm proud of you na my blog kang ganito! keep it up! miss u te!

    ReplyDelete
  4. sorry, dko nlagay name ko. hehehe. galing ng blog mo!

    ReplyDelete