Tuesday, November 22, 2011

Libot

Gora ang byuti ko last Sunday sa Intramuros, Manila. Feelingerang dayuhan ako sa sariling bayan dahil ilang beses ko pa lang napupuntahan ang historical place na itey. College pa yata ang huling punta ko dito para mangalap ng ad rates ng mga newspaper at tabloid. Todo lakad ang ginawa ko mula underpass sa Manila City Hall hanggang sa makarating ng San Agustin Church.

Hindi ko naman naisip na meron palang museum sa loob nito. May iba't ibang exhibit na may kinalaman sa kasaysayan ng ating bansa. Una kong napasok ang exhibit ng mga santo na gawa sa ivory ang ulo at kamay. Nakakamangha dahil ilang daang taon na pala ang edad ng mga nakita ko. Bonggacious din ang mga suot na damit na gawa sa mga mamahaling materyales.

Hallway of San Agustin Church
Naikot-ikot pa ako sa loob nito habang busy ang loob ng simbahan dahil sa sunud-sunod na kasal. Hindi ko tuloy maiwasang pagpantasyahan na sana'y maikasal din kay prince charming. 'Yun nga lang at wala pang akong nakikilang prinsipe. AMP!

Madaming paintings na malaki pa sa tao ang nakasabit sa hallway ng museum. Inisa-isa ko ang bawat madaan ko dahil minsan lang naman ako makakita ng mga 'to. Ang galing lang talaga ng mga taong biniyayaan ng talento sa pagguhit at pagpinta.

Panaka-naka ay may nasasalubong akong mga Koreano, Intsik at blondies na lumilibot din sa loob ng museo at simbahan.

Hapon na ng matapos ang aking paglilibot pero dahil maliwanag pa ang kalangitan, sinulit ko na ang araw at pinuntahan ang Fort Santiago. Mas maraming dayuhan ang narito. Panay ang kuha nila ng mga litrato para siguro souvenir nila.

Pumasok ako sa Rizal Shrine kung saan makikita ang memorabilias ni Dr. Jose Rizal tulad ng unang publikasyon ng kanyang nobela, mga kagamitan at damit. Hindi ko nga lang nakunan ng litrato kasi akala ko bawal, hindi pala. NAKANAMANOH!

Well, bago sa akin ang karanasang ito. Hindi naman kasi ako madalas na pumupunta sa mga ganitong lugar. Mas madalas pa akong nasa SM North at TriNoMa. It's a different feeling na ma-explore at balikan ang kasaysayan ng ating bansa. I'll do it more often nang sa gayon ay marefresh ang utak ko sa mga bagay na napag-aralan ko noon sa Hekasi at Social Studies.

1 comment:

  1. sayang at wala nang nayong pilipino. mag-eenjoy ka doon tiyak sa mini tour of the philippines. hindi ko lang alam kung sa clark ba o sa reclaimed area siya ililipat. nabinbin na ang paglipat sa kanya. si madam ang nag-umpisa niyan. ngayon gayang-gaya na siya sa buong mundo.

    ReplyDelete