Sa Sabado na malalaman kung kaninong ulo ang susunod na puputungan ng korona para maging Miss Earth 2011. Walumpu't limang dilag na nagmula pa sa kung saan saang lupalop ang magtatagisan sa UP Theater.
Isa ang Miss Earth sa apat na grandslam beauty pageants (Miss Universe, Miss World at Miss International) sa mundo kaya madami ang nag aabang dito. Ito lang ang bukod tanging patimpalak na si Mother Earth ang bonggang concern kaya makakaasa ang manonood na hindi lang pisikal na anyo ang basehan sa mananalo. Kasama diyan ang kanyang adbokasiya para sa ikagaganda ng mundo. TARUSH!
Tulad ng dati, meron na akong mga paborito para manalo. Eto sila...
Kelly Kamwelu ng Tanzania. Sumali na siya sa Miss U at Miss International this year pero olats ang lola niyo. Pero kahit ganun, never say die ang byuti niya. Go lang nang go, fight lang nang fight! Pwede siyang endorser ng Globe. CHOS!
Caroline Medina ng Venezuela. Basta galing sa bansang 'yan, siguradong dyosa.
Renate Cerljen ng Sweden. Nakakahumaling ang kanyang ganda na sinabayan pa ng sweet smile. Pero 'wa epek sa akin dahil babae din akesh.
Nina Astrakhantseva ng Crimea. First time kong marinig ang pangalan ng bansang 'yan. Parang ang bango bango niya sa kanyang national costume.
Sarka Cojocarova ng Czech Republic. Todong favorite siya para manalo sa taong ito. Siya din ang itinanghal na Best in Swimsuit.
Ilang araw na lang at may bago nang kokoronahan. Ating abangan kung sino ang susunod na mangunguna sa pangangalaga kay inang kalikasan.
*photos courtesy of OPMB.
Sige lang sige, Carousel Productions. Masabi lang na world-class pageant, kahit oblivious territories and provinces, gawan ng sash. Kunyari, maraming countries ang franchisee.
ReplyDeleteFYI. Miss Crimea is part of Miss Ukrainia's entourage.
Miss Earth will remain as a minor pageant. Lahat ng gimmick jan, gawa-gawa lang. Ilabas nga ang mga international franchise owners. Kahalti lang meron.