Araw-araw na lang may krimen na nagaganap sa ating kapaligiran. Hindi ko alam kung parte na ba talaga ito ng buhay at kailangan na lang natin masanay. Tipong ikaw na mismo ang iiwas kasi alam mong wala kang ligtas. Ang gulo ko 'di ba?
Tulad nitong notorious group na Acetylene Gang. Lumang luma na sila pero lagi silang bago sa balita. Hindi ko lubos na maintindihan kung bakit hanggang ngayon eh hindi sila mahuli-huli ng awtoridad. Heto't may bago silang nabiktimang sanglaan sa Sta. Mesa, Maynila nitong nakalipas na undas. Mahigit 500,000 na halaga ng alahas ang kanilang nalimas.
Iisa lang naman ang paraan nila ng pagnanakaw. Maghuhukay sila ng lupa hanggang sa marating ang vault ng sanglaan. Sibat agad kapag nakuha ang pakay. At para hindi mahirapan ang pulisya kung sino ang gumawa ng krimen, iiwanan nila ang mga kasangkapan na kanilang ginamit tulad ng oxygen tank, acetylene, lagare atbp. Kawawang mga nagsangla at wala na ang kanilang mga precious stones at jewelries.
Malamang na tataas pa ang bilang ng iba't ibang krimen lalo na't paparating ang Kapaskuhan. Mas maging maingat na lamang tayo para sa ating kapakanan.
No comments:
Post a Comment