Three weeks na sa sinehan ang Praybeyt Benjamin, ang pangalawang pelikula ni Vice Ganda kung saan siya ang bida. Balak ko sana itong panoorin during the first week pero busy sa trabaho at walang makasama. Buti na lang at nag-aya ang nuknukan sa bait kong friend na si Ateh Paul kaya naman yesterday ay napanood ko na ito.
Pila balde ang mga utaw sa labas ng Cinema 11 ng SM North para mapanood ang pelikula. Rare 'yan na makita sa isang lokal na pelikula. Mas madalas kasi na sa foreign films mahaba ang pila.
Nakakatuwa ang pelikula lalo na't sa umpisa ay tanggap ng ama (Jimmy Santos) na bekling ang kanyang anak na si Benjamin Santos (Vice Ganda). Nakakatawa ang mga eksenang feeling babae si Benjamin at ang pagpapantasya niya kay Brandon (Derek Ramsey). Punong-puno ng mga panalong linya na talagang magpapahagalpak sa'yo. Paborito ko yung push-up scene ni Vice. Ang dami kong tawa 'dun!
Hindi mo nga lang maiiwasan na maikumpara ito sa Petrang Kabayo. Marami kasing similarities tulad nung bunsong anak na gumanap (Abby Bautista) at ang pamimilosopo nito. Syempre, dahil Wenn Deramas movie ito, hindi pwedeng mawala si DJ Durano.
Overall, satisfied naman ako sa aking napanood. Parang ibinalik ang old-school Pinoy comedy movies na may bakbakan sa bandang dulo. Nagtagumpay naman ang pelikula na pasayahin ang mga moviegoers at 'yun ang mahalaga.
masarap kaya ang bird ni DJ DURANO?
ReplyDelete