Saturday, February 4, 2012

Icon

Ang PINAKAMALAKING icon ng 'sangkabaklaan ay nagbabalik sa music scene. Hindi man ako ang biggest fan ni Madonna, love ko naman ang kanyang music na palaging bago sa pandinig. Winerva kaagad siya sa kanyang comeback dahil isang Golden Globe award lang naman ang napanalunan niya last month. Ito ay para sa kantang ginawa niya sa pelikulang W.E. na siya rin ang sumulat at nagdirek.

She's now under a new record label at MDNA ang title ng kanyang album. Next month pa 'yan mare-release pero zoom in agad sa number 1 spot ng iTunes chart ang pre-order sa kopya nito. Bongga talaga si Queen of Pop.

Kalalabas lang kanina ng music video ng kanyang first single Give Me All Your Luvin' at whooooping 1.6 million agad ang YouTube views (habang ginagawa ko ang entry na 'to).  Kahit na mahigit singkwenta aƱos na, looking fresh pa din si madir. Tek a luk ma mon luk...

2 comments:

Anonymous said...

salamat botox din si lola madonna !

Anonymous said...

oo naman teh, si madonna ang gay icon of all gay icons. kahit ano pang generation mo. besides her music na paborito ng mga beki, mas importante ang fuck, este fact na she embraced all genders and races. kaya lab na lab sha ng mga shokla. hay kahit maging lola o lelang na sha, forever nating lab yan.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...