Sunday, February 19, 2012

Friday Night Habit

Noong hindi pa uso ang Primetime Bida at Telebabad, samu't saring palabas ang mapapanood tuwing gabi. Nandiyan ang Regal Films Presents, Okat Tokat (na ngayon ay nagbabalik), Star Drama Presents, Maricel Soriano Drama Special at mga comedy sitcoms tulad ng Palibhasa Lalake, Oki Doki Dok at Home Along Da Riles. Iba't ibang rekado bawat araw.

Hindi ako masyadong nakakapanood ng mga 'yan dahil maaga akong natutulog bilang mabait na junakis at estudyante. Baka kasi tanghaliin ako ng gising at maiwan ng school bus. Kapag Biyernes lang pwedeng gabihin bilang walang pasok kinabukasan. Parte na ng Friday night habit ko ang panonood ng American series sa Kapamilya Network na noon ay kilala pa bilang Sarimanok Network.

Murphy Brown
Kinamulatan ko na ang Murphy Brown. Prep o Kinder pa lang yata ako ng ipalabas ito sa TV. Hindi pa ako nakakaintindi ng Ingles noon pero kapag naririnig ko na ang tawanan sa background, nakikisabay ako. Sisa lang ang peg de vaaahhh?!

Baywatch
Buhay sa tabing dagat at pagre-rescue sa mga nalulunod naman ang sentro ng Baywatch. Marami yatang nanonood nito kakaabang kay Pamela Anderson in her one-piece lifeguard uniform. Kebs ko sa kanya!

Beverly Hills 90210
Si Brenda (Shannon Doherty) ang paborito ko dito. Bongga ang full bangs niya kaya lang nashunggal kaagad siya dito eh. Masasarap din ang mga bidang ohms ditey.

Melrose Place
Ang show na pumalit sa Beverly Hills 90210. 'Yun lang.

Mighty Morphin Power Rangers
Eto talaga ang pinakasinubaybayan ko. Inabangan pa namin ng ate ko ang grand premiere with matching Chiz Curls para ngatain habang nanonood. Todong aliw kami sa pagtatransform nila from tao to superhero. Si Yellow Ranger ang peyborit ko. Asian kasi siya.

Ngayon, mga Koreanovelas at adaptation ng imported programs ang kadalasang mapapanood sa TV. Kanya kanyang panahon. Ano kaya ang next?

5 comments:

  1. did you know red ranger is now a pornstar for Seancody?

    ReplyDelete
  2. You forgot Doogie Houser, MD, Ewoks

    ReplyDelete
  3. @herbs Talaga teh? p-link naman.

    ReplyDelete
  4. -Teh Herbs, hindi ko knowsline yan pero sinearch ko sa Google at NALOKA akiz. SARAAAPP!!!

    -Teh Anonymous Feb 19, 2012 05:00 AM, hindi ko naabutan ang mga shows na yan eh.

    ReplyDelete
  5. Patay na si yellow ranger.. while si blue ranger ay nagpasyang maging pink ranger na.. HEHEHE...

    ReplyDelete