La Libertad, Negros Oriental |
Nakakaloka! As in NAKAKALOKA ang lindol na naganap sa Visayas. Niyanig ng 6.9 magnitude earthquake ang Negros at Cebu bago magtanghali kahapon at ilang beses nagkaroon ng aftershock. Nagkaroon tuloy ng Tsunami alert level 2 na agad din namang binawi.
Ilang kalsada ang hindi madaanan dahil sa laki ng pinsala. May mga building din na bumagsak at nadamay ang ilan nating kababayan. Ayon sa PHIVOLCS, bago ang faultline na ito at wala pa sa kanilang record. NAKAKALOKA AGAIN!
Bilang handa, narito ang ilang payo kung ano ang gagawin kapag may ganitong sakuna. Kung nasa loob ng isang gusali, bahay, condo o kahit ano...
- Yumuko, dumapa at protektahan ang ulo. 'Wag rumampa kung saan-saan.
- Mas maigi kung tatabi ka sa hamba ng pinto, poste o gilid ng matitibay na bagay. Baka kapag nasa ilalim ka ng lamesa at may bumagsak doon, maipit ka, ikaw rin.
- Kung nakahilata sa kama, takpan ng unan ang ulo. 'Yung ulong may mata, ilong at bibig. Baka ibang ulo ang iniisip mo.
- Lumayo sa bintana kung ito ay gawa sa salamin para maiwasan ang mabubog kapag ito'y nabasag. Kebs lang kung gawa ito sa kahoy o capiz. Capiz oh!
- Stay put ka lang sa loob hanggang sa humupa ang uga. Gumamit ng hagdan sa pag-eskapo. Hubarin ang stilletos para sa mas mabilis na pagtalilis.
- Pindutin ang fire alarm para malaman din ng ibang utaw. Bawal ang madamot.
Kung nasa labas ka naman...
- Lumayo sa matataas na gusali, poste at billboards. Maghanap ng lugar kung saan langit lang ang pwede mong makita. Dumapa ulit para hindi matumba. Kapag nakita mo ang crush mo, lapitan mo at sabay kayong dumapa. Huwag munang mag-isip ng madumi (pero hindi ko maipapangako).
- Kapag yamanesh ka at nasa loob ng karu, ihinto agad ang sasakyan mo sa gilid ng kalsada. Lumayo sa tulay, footbridge ng MMDA, at poste ng Meralco.
- Kung mountaineering ang hobby mo at naramdaman mo ang pagyanig ng lupa, tumingin ka sa paligid mo at pakinggan hindi ang huni ng mga ibon kundi kung may komosyon. Baka magulungan ka ng malalaking tipak ng bato at lupa. Malibing ka ng buhay dahil sa landslide.
Galing sa Red Cross ang mga tips na 'yan. Mas mabuti nang handa at alam natin ang gagawin if ever (huwag naman sana) na mangyari uli ito.
*Image from Twitter
hi teh... im from cebu and though what we experienced is so traumatizing, u made me smile while reading this. sana na publish mo ito bago nangyari, na apply ko sana. hahahaha. thanks teh :)
ReplyDeleteI'm glad I made you smile kahit papaano. Keep safe kayo diyan 'teh. I hope hindi na ulit mangyari ito.
ReplyDelete