Wednesday, February 15, 2012

Tisyu (final part)

Ang pagtatapos ng temptasyong mahirap tanggihan.

Basahin dito ang part 1.
Basahin dito ang part 2.

Melanie: Kunin ko na lang ang number mo at ite-text na lang kita. 

Nilabas ko ang ballpen at tisyu sa aking bag para doon niya ilagay ang number niya. Ilang saglit din siyang nagsulat. 'Yun pala, may note pa siyang idinagdag...

Wala akong barya nung mga oras na 'yon. Puro buo sapagkat alta ako. CHARAT! Dahil makunat pa ako sa chichiryang sumingaw eh tumanggi akiz. Itinaas niya ang dalawang kamay sabay buka ng bibig at nagsabing "ten pesos". Nakita ko ang dila niya. Parang may maliliit na butlig na parang singaw. Hhhmmm...

Melanie: Sige, bibili lang ako ng tiket at babalikan kita dito (sabay turo sa baba). Infernezz inglesero ka.

Napangiti siya sa sinabi ko. Akala ko ba deaf siya?

Pagka-inspect ng bag ko, dali-dali akong pumila para bumili ng tiket. Apat na bente ang sukli. Bumaba ulit ako at nakita kong paakyat na siya. Nagmatyag muna ako sa mga utaw na umaakyat din bago ko inabot ko sa kanya ang bente pesos. Sumensyas ang aking kamay na nagsasabing ite-text ko na lang siya tapos umakyat na ulit ako.

Sekyu: Bumalik ka sir.

Melanie: Oo. May binalikan lang ako.

Ang daming tao. Wala pang tren. Tumingin ako sa baba ng istasyon at baka sakaling makita ko pa ulit siya. Pero hindi ko na siya nakita sa dami ng tao.

Aaminin ko, may panghihinayang akong naramdaman. Subalit mas mahalaga ang aking kaligtasan. May tamang oras at lugar ang tawag ng laman... at hindi ng mga oras na 'yon. 'Di bale, nasa akin naman ang number niya.

Ilang sandali pa'y dumating ang tren. Sumakay na ako.

Wakas.

6 comments:

  1. nakakahinayang man pero tama ginawa mo.

    ReplyDelete
  2. Tama it's better to be safe than sorry.

    ReplyDelete
  3. this post made me smile. good job maam

    ReplyDelete
  4. gow ms melanie itxt mona sya at imit mo syempre magsama ka frendz mo pra safe ka, bka yan na ang hnhintay mong luvlyf gow

    ReplyDelete
  5. naintriga ako sa butlig, ayaw ko ata makipaglaplapan haha

    _patrick

    ReplyDelete
  6. Kalerqui! Kung ako yun eh siguro di ko napigilan sarili ko... Nakuu. Impair kay madam Melanie ha. Very good sa pagpipigil!

    ReplyDelete