Monday, February 6, 2012

Isang Paa

RIP Karlo Maquinto
Shakira akez sa balitang pumanaw na ang batam batang boksingero na si Karlo Maquinto. Sa mga hindi noseline kung ano ang nangyari, noong a-bente otso ng Enero ay nagkaroon sila ng match ni Mark Joseph Costa at ito'y naganap sa Caloocan. Matapos ang laban ay bumigay ang katawan niya sa ring. 'Yun pala ay comatose na siya dahil sa blot clot na namuo sa kanyang utak.

Nakakapanghinayang na sa edad tweyni one ay binawian siya ng buhay. Marami pa sana siyang pangarap na gustong tuparin kung hindi nangyari ito ngunit sino ba naman tayo para kwestiyonin ang tadhana. Baka talagang hanggang doon na lang ang itatakbo ng kanyang buhay at karera sa loob ng ring. 

Nakakatakot lang na sa sports kung saan naghahari ang mga Pinoy tulad nina Nonito Donaire at Manny Pacquiao, ang isang paa nila ay nasa hukay. Nawa'y hindi na ito maulit sa susunod na laban ng ating lahi. 

1 comment:

Anonymous said...

Oo nga teh, kakalungkot. Pero kasi, ganyan tlg ang boxing. Very physical ang labanan. There's a risk to your life. Unfortunately, nangyari ang nangyari. Walang may kasalanan sa pagkamatay niya. Para rin yang car racing, may risk din sa buhay mo kung sasali ka. Anyway, wala tlgang dapat sisihin sa pagkamatay niya.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...