Thursday, April 10, 2014

Pagsilay

Sad ako ngayon mga ateng pero alam niyo, ayaw kong magpakalunod sa kalungkutan. Hindi naman sa isine-set aside ko ang damdaming ito dahil kung wala nito, 'di natin lubos na mararamdaman ang kagalakang tunay. Hahayaan ko munang i-feel ang kadramahan ng buhay. Sesenti akez sa bintana habang pumapatak ang invisible ulan... maaraw kasi eh. Unti-unti din lilipas ang makabagbag damdaming eksena na mapapalitan ng pagsilay ng kaligayahan. Samahan niyo 'kong tumagay ng Tanduay at pumapak ng Boy Bawang habang niraratrat ang videoke sa bilyaran...

1 comment:

Edgar Portalan said...

"makulimlim ang panahon
at 'di humuhuni ang ibon
dumaraing at nananaghoy
ang puso mong 'di naghihilom" - Tugon - Butch Charvet

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...