Tuesday, June 9, 2015

Calling Card

Share ko sa inyo ang nakakikilig na lovestory ni Marie at kung paano nagugulumihanan ang puso niya kay office crush...

***


Ako din madam Melanie. Isang beklur at inlababo sa straight kong ka-workmate. Super baliw ako madam. Nagkaroon kami ng team building last May 23 at sinama ni otoko 'yung belat, monthsary kasi nila kinabukasan. Ayun, nagmaganda akong in-approach si girl, sabi ko hulog na hulog na ako kay otoko. Tapos nung mag-isa ako sa pool, na corner ako nung dalawa. 

Nag-usap kami. Nalaman ko na nagselos pala si girl at first. Ka-work din kasi namin siya pero 'di namin teammate si girl. Hahaha! Nag-share na talaga ako. Kakahiya.

Last week lang, sabi ni otoko, wit na daw sya excited 'pag nakikita si girl. Ako naman, wit knows paano magre-react kaya dedma. Then the following day, narining ko na lang nag-cool off daw sila. Though 'di sinabi sa akin. Nakakaloka pa, binigyan ako ng coffee kahit walang complimentary coffee sa vendo. Kilig much! OMG! Sorry, nag-share talaga ako. 

Pero tanong ko lang, push ko ba 'to? May nalaman din kasi akong chika na may history na pabooking si otoko. Chismis lang pero umaasa ako na 'di totoo. I was connecting the dots kasi noong hiningi number ko, ang term na ginamit niya "calling card" so ako, deadma. Patay malisya. 2 months ago na 'yun. Hanggang ngayon, 'di na niya ulit hiningi. Pero ganun pa rin kami. Twice ko rin pala siya nilayuan pero talagang kinakausap niya supervisor namin na pagtabihin kami. Tapos last week lang, out of the blue, nabanggit niya na Vans daw 'yung Waterloo nya. 'Di ko na naman alam gagawin ko kaya deadma lang. 

Naguguluhan na nga ako eh. 'Di ko maalis sa isip ko na baka 'yung pag-amin ko sa mag jowa ang reason kung bakit sila nag-cool off. Oh 'di kaya, na confuse na talaga si otoko. 

May pasok na naman mamaya. Hahaha! Matutulog na ako Niro. Sana sumagot ka madam. Update din kita. Tago mo nalang ako sa pangalang Marie. XOXO


***

Hi Ateng Marie,

KUNGRACHULEYSHONS!!! Gandang ganda ako sa'yo dahil mantakin mo, kahit nilayuan mo na, nirequest pa ni otoko na makatabi ka sa opisina. EH 'DI WOW!!!

'Wag ka nang maguluhan. Kung sa tingin mo, ume-effort si guy para sa'yo at feel na feel mo ang pagiging masikip kapag lumalapit siya, sino ka para tumanggi sa grasya? Madaming beklers diyan na todo effort mapansin lang ni crush. Samantalang ikaw, nandiyan na, nakakatabi at nakakausap, arti ka pa? Go! Enjoy and seize the moment!

I actually asked a straight guy sa Facebook kung paano ba sila pwedeng ma-fall sa isang gay. He said that if you have pure unadulterated intentions at hindi lang sex ang habol, hindi daw malayo na mahulog sila sa tulad natin. Sa makatuwid, kailangan mabigyan mo siya ng reason to fall for you. Be true to yourself, show that you care and be more friendly (with tapik and hampas on his shoulders hihihi!). Just know your limitations. Treat him as your daily inspiration at work. Wala na yatang mas gaganda pa sa feeling na kahit stress ka sa work, nawawala ito 'pag nakikita si crush. What more kung nakakausap at katabi mo pa. Ayyiiii!!! I'm so kilig for you!

Tsaka 'wag mo na rin isipin 'yung nangyari sa kanila ng jowa niya at kung ano ang history niya. The past cannot be changed, forgotten or erased. You just need to ensure that you'll be his bonggang future.

Nagmamasarap,
Bb. Melanie

8 comments:

eric said...

Super like madam! :)

Anonymous said...

Ano po ang shampoo na gamit niya? Ang haba po ng hair. Abot hanggang dito. Idol ko na po siya.

Christopher Rabanal said...

Ang ganda ni ate... Wag na choosy andyan na ang grasya... Aarti ka pa ba...

Anonymous said...

Go girl!

migs, the manila gay guy said...

Nag-alarm ang passbook ko sa hudyat ng brand ng sapatos! Di kya friendly user si koya? Research-research ka teh baka, uhm, mapasubo ka! World peace!

Anonymous said...

pak na pak sa vans! pero infairness murayta lang ang type of shoes nya

Anonymous said...

Di naman sa nega agad pero make sure na wala na nga sila ng gurlalo... kumalembang ang kampana ko sa parinig na Vans hahahaha baka kasi may hidden agenda ang otoko-- huthutan ka ng mag-jowa or ng guy. Although kung willing ka mag-risk and gastusan ang luho ni guy GO GO GO; crush mo tapos hinahabol ka saan ka pa. Just make sure may return of investment ka, di puede yung thank you galing kay guy. Good luck...

Anonymous said...

Long hair ang ate, wag ka na pakipot sunggab na agad! Patatagalin pa ba?wag na maria clara!go na!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...