Kung kayo'y nagbabasa ng mga previous entries ko, mapapansin niyong paborito ko ang mga classic horror movies lalo na ang gawang Regal Films. Nagsimula ito nung bata pa ako dahil mahilig ang ate ko sa mga ganitong pelikula. Kapag ganito ang palabas sa TV, siguradong nakatutok kaming magkakapatid.
Tiyanak na yata ang isa sa pinakasikat na pelikula at fictional character na ginawa ng Pinoy. Binigyang buhay nina Janice de Belen, Ramon Christopher at Lotlot de Leon mula sa direksiyon ng mga Masters of Philippine Horror na sina Lore Reyes at Peque Gallaga. Umpisa pa lang ng pelikula ay talagang matatakot ka na. Pinakapaborito ko yung eksenang sinugod ng tiyanak si Lotlot habang nasa loob ng maintenance room ng hospital. Sobrang nakakatakot!
Kahit na ilang dekada na ang nakakaraan magmula nang ginawa ang Tiyanak, iba pa rin ang takot factor nito sa manonood. Sana makagawa muli ng horror flicks sina Direk Lore Reyes at Peque Gallaga. I really miss this kind of Pinoy movies... original and classic.
No comments:
Post a Comment