Aside sa kakulangan ng tubig at epekto nang nakaraaang bagyo sa ating bansa, isa pa sa depressing news na napanood ko last night ay ang pagpanig ng COMELEC kay Mikey Arroyo na maging kinatawan ng Ang Galing Pinoy (AGP) na party-list ng mga drayber at sekyu sa kongreso. Of all the people in this country, bakit siya pa?
Wiz na niya bet mag-run again as a representative to the 2nd district of Pampanga pero dahil sa gahaman (obviously) ang kanyang pamilya sa kapangyarihan, gagawin nila ang lahat magkaroon lang ng posisyon sa gobyerno (kahit siguro barangay positions papatulan). All in all, apat silang Arroyo sa kongreso.
Simple lang naman kung bakit kwestiyonable ang pagiging representative niya to this sector. Alam ba niya ang tunay na nararamdaman ng isang security guard na halos bente kwatro oras ang shift para magbantay ng tindahan, villages, at building? Naranasan na ba niyang mag-drive at sumuong sa daan para lamang maihatid ng ligtas ang mga sakay nito?
Maaring may karanasan nga siya sa kongreso ngunit hindi ito ang tamang batayan para sa naturang party-list. Paano na lang sina manong guard at mamang drayber?
No comments:
Post a Comment