Makati will not be Makati kung wala kang makikitang jollijeep sa bawat sulok. Dati, totoong jeep na umaandar ang mga ito pero ngayon hindi na. May kanya kanya na silang pwesto na halos tabi-tabi pa. Marami pagpipiliang pagkain at swak na swak sa bulsa kaya naman dinudumog ng mga namamasukang tulad ko. Kumpleto mula agahan, tanghalian, meryenda at hapunan.
Yung iba, bonggang magbigay ng Styrofoam (polystyrene) at ang iba naman ay barat. Masasabing mong bongga ang isang jollijeep kapag buong Styro ang binigay sa iyo kapag take out ang food na binili mo. Kapag barat naman, asahan mong kalahati lang iyon dahil hinati sa gitna. Nuknukan naman ng kabaratan kapag tinatanong ka pa kung gusto mo ng Styro. Minsan, gusto ko na lang sabihin na "Manang, take out po iyan. Hindi ko naman po makakain yan kung nasa plastic lang".
Nagtataka lang ako kasi pwede namang paper plate na lang ang ibigay nila. Mas malaki naman kasi yung kumpara sa kalahati ng Styro. Sabi ni ateng nagtitinda, pinagbawal na daw yun. Naka! Kung totoo man yan, nuknukang nang katangahan ang nagpa-implement niyan. Ang paper plate pwedeng i-recycle samantalang ang Styro ay non-biodegradable. Masama sa kalikasan in short.

Kaya mga beki, kung bet niyong kumain sa kahit anong kainan mapa-jollijeep man o restawran, try to lessen the use of Styro. Kung balak namang mag-take out at kainin ang food sa bahay, ipabalot na lang natin. Let's all help to save Mama Earth.
No comments:
Post a Comment