Todo na ang traffic sa kalsada ngayon. Kahit hindi rush hour, nakakabangenge ang haba ng pila ng mga sasakyang pautay-utay sa pag-andar. Heto na yata ang sinasabi nilang Christmas rush. Ang ibang kumpanya kasi, nag-release na ng 13th month pay at Christmas bonuses. Siyempre, saan ba masarap magwaldas ng kadatungan kundi sa mga malls na halos magka-kapitbahay lang sa daan.
Nagsisimula na ring dumagsa ang mga padalang pamasko ng ating mga kababayang OFW para sa kanilang pamilya. Imported na sabon, lotion, pabango at ang hindi mawawala... tsokolate.
Siyempre, hindi naman puro ligaya ang hatid ng buwang ito. Bukod sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ito rin ang buwan kung saan sandamakmak ang masasamang loob.
Sinugod ng tatlong lalaking nakasakay sa isang motor ang officemate kong si Steph kaninang 4:30 ng madaling araw. Nangyari ito habang siya'y naglalakad sa Rufino Street papuntang Ayala Avenue. Bumaba ng motor ang isa sa mga sakay at tinutukan siya sa dibdib ng pagkahaba-habang patalim. Siyempre, shock na shock ang lola natin. Dali-dali niyang ibinigay ang kanyang Chanel-chanelang bagelya na may lamang wallet, cards at barely 4-day-old pink Nokia C3. Nanghihinayang man siya sa mga materyal na bagay na nakuha sa kanya, nagpapasalamat pa rin siya at buhay siya.
Kaya mga ateh, if ever man na malagay kayo sa sitwasyong ganitey, wag nang magdalawang isip nai-givesung ang gusto ng mga kawatan. Ang mga taong halang ang bituka, kayang gawin ang lahat kahit pa kitlin ang sarap natin. Isipin niyo na lang, mas mahal ang kabaong kesa sa kung anong bonggang gadgets na bitbit niyo. Iwasan nang manlaban lalo na kung kayo'y solo flight sa pagrampa at walang mahingan ng help. Huwag ding kaliligtaang mag-report kay mamang pulis para alam nila ang nangyari at upang maiwasan na ang ganitong insidente.
Doble ingat mga shupatid!
Doble ingat mga shupatid!
ano naman ang binili mo sa iyong Christmas bonus?
ReplyDelete