Tuesday, December 7, 2010

Taas

Hindi kayang palamigin ng malamig na panahon ang nag-iinit na ulo ng mga Pilipino. Pa'no ba naman, sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Unahin na natin diyan ang LPG. Dalawang beses na itong nag-price hike ngayong buwan ng Kapaskuhan at balak pang sundan sa susunod na linggo. Rason: Ang walang kamatayang pagtaas ng presyo nito sa international market. GRABE NAMAN!!! Parang gusto ko nang magsibak ng kahoy para gamiting panggatong. Yun nga lang, bilang na sa daliri ang mga punong kahoy na masa-sight sa Metro Manila. Ayaw ko na silang bawasan pa.

Humihirit din ang mga jeepney drivers na itaas sa 7.50 ang minimum fare. Naiintindihan ko naman ang pag-atungal nila dala na rin ng todo taas na presyo ng gasolina. Idagdag mo pang wala na halos mabilhan nito dahil sunud-sunod ang pagsasara ng mga gas stations na walang supply gawa ng nasirang pipe line sa Makati. Ano ba yan!?!

Bonggang news naman mula sa DTI. Sabi nila, hindi magtataas ng presyo ang mga noche buena items. TALAGA LANG AH!?! Siyempre, kataka-taka ang ganyang balita noh!?! Pero sige, tingnan natin kung totoo nga yan. Let's give them a chance. Malay naman natin di vaaahhh?!? Pero hangga't maaga pa, susugod na ako sa grocery. Baka kasi mag-iba ang ihip ng hangin eh.

No comments:

Post a Comment