Tuesday, December 14, 2010

Remake

One of my sweetest childhood memories ang panonood ng mga Mexican Telenovelas sa RPN 9. At sino pa ba ang reyna ng mga 'yan kundi si Thalia.

Siya na yata ang kauna-unahang mujer na inidolo ko sa TV. Maagang natapos ang pagkahilig ko kay Sailor Moon dahil kay MariMar. Todong sumikat ang telenovelang ito nung grade 4 ako. Tigil sa pag-ikot ang mundo ng mga Pilipino kapag nagsimula nang magsasasayaw sa dalampasigan ang loka tapos aahon sa dagat with matching tinahing kabibe sa kanyang dibdib. Halos lahat nakatutok sa pag-iibigan nila ni Sergio SantibaƱez. Grade 5 na ako ng magtapos ang istorya nito.

Pero hindi diyan natapos ang pagkahumaling ng mga Pinoy kay Thalia dahil agad itong nasundan ng isa pa niyang bonggang drama, ang Maria La Del Barrio. Ito ang pinaka-paborito ko sa lahat ng telenovela niya. Mula sa theme song na talagang iindak left to right balakang mo, ang istoryang may pagka-Cinderella ang dating at ang pinaka-gwapong leading man niya... si Fernando Colunga as Luis Fernando.

Kahit bubot na bubot pa lang ako noong mga panahong 'yon, talagang inaabangan ko na ang mga eksenang naka-half naked lang siya. Malinaw na malinaw pa sa balintataw ko ang eksenang naka-trunks siya sa tabi ng swimming pool at nagpapa-araw. Juice ko 'day! Doon na yata ako nilukuban ng binabaeng kaluluwa.

At hindi kumpleto ang istorya kung walang kontrabida, si Soraya Montenegro. Pangalan pa lang, kasindak sindak na. Ang babaeng sa sobrang itim ng budhi, kahit nalaglag na sa building eh buhay pa rin.

Isa sa mga future projects ng Kapamilya network sa 2011 ang remake ng telenovelang ito. Happy ako't si Erich Gonzales ang napiling gumanap bilang Maria. Ang kanyang ka-loveteam naman si Enchong Dee naman ang napili para maging Pinoy Luis Fernando. Hhhmmm... Hhhmmm... Hindi na ako mag-oopinyon about kay Enchong. Alam niyo na siguro mga 'teh kung bakit. Hihihi...

Basta aabangan ko next year ang...
 

♫♪ YA MUNCHA HONRA! Maria La Del Barrio soy ♪♫

1 comment:

  1. another remake nanaman! nagclick lang ang marimar niremake na lahat ng soap ni Thalia!

    ReplyDelete