Wednesday, December 29, 2010

Tapos

Bago mag-farewell ang 2010, natapos kong basahin ang librong Dear Migs: Letters to Manila Gay Guy. Mahigit isang buwan ko din itong binasa ng paputol-putol. Hindi naging kainip-inip ang biyahe ko tuwina papasok ng trabaho dahil sa MRT ko binasa ang kabuuan nito.

Todong na-enjoy ko ang pagbabasa ng mga liham kay Migs pati na rin ang samu't saring opinyones de peninsula ng ating mga shupatemba. Dito ko napatunayan na iba-iba talaga tayo ng perspektibo sa buhay kabaklaan.

Tatlong liham ang tumatak sa aking isipan dahil sa bonggang istorya na kanilang ibinahagi:

  • My husband has a rich gay lover
  • Activists falls in love with NPA warrior
  • Straight-acting, straight-catching
Wish ko lang na magkaroon ng book 2 ito. As in... AGAD AGAD!

4 comments:

  1. i love ur blog madamme melanie! di lang puro boys, may sense,creative and bongacious! keep it up! happy new year mare!-loufivics

    ReplyDelete
  2. Salamat ng marami ateh loufivics! Hindi lang kasi sa lalaki umiikot ang fink world natin di vaahhh?!?

    ReplyDelete
  3. ms melanie, san ka po nakahanap ng Dear Migs? nagalugad ko na yta lahat ng national bookstore d2 sa maynila, wla... thnks :D

    nate

    ReplyDelete
  4. ateh nate, sa National Bookstore Cubao branch ako nakabili

    ReplyDelete